Minabuti ni Amaya na maligo na rin dahil sa tingin naman niya ay hindi na siya ulit lalagnatin kasi okay naman na talaga ang kanyang pakiramdam. Iyon nga lang sinisipon siya at maging ang kanyang ulo ay masakit dahil na rin siguro sa sobrang iyak niya kagabi hanggang kaninang umaga. Pero nais kasi niya na mabango pagdating ng kanyang mahal, hindi lang niya alam kong kokomprontahin niya ito kung saan nagpunta at kung ano ang ginawa nito kung bakit nakalimutan nito na mag-chat or tumawag sa kanya at kung bakit iniwan siya nito nang ganon-ganon nalang kahit alam nito na may sakit siya. Bahala na, basta dapat maging kalmado lamang siya. Pero minabuti niya na mag-init ng tubig dahil sabi ni Nanay Meling kagabi sa kanya kung maliligo na siya ay wag daw maligo ng tubig na nagmula sa gripo. Mas