Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ay agad na pumasok ito sa loob at ipininid nito ang pinto at ini-lock iyon. Tiningnan naman niya ito na tila nang uusig hindi siya makapagsalita basta patuloy lamang na bumabagsak ang luha sa kanyang mga mata. "B-Babe magpapaliwanag ako." garalgal ang boses na wika nito tinangka siya nitong hawakan sa kamay ngunit iyon ang pag-igkas ng kanyang kanang palad. Isang malakas na sampal sa kanang pisngi ni Amir ang iginawad niya dito. Nagulat din siya sa ginawa parang kusa na lamang umigkas ang mga kamay at tila may sariling isip iyon na dumapo sa pisngi ni Amir. Marahil iyon ay dahil sa bugso ng damdamin, sa galit niya dito at punong-puno ng hinanakit ang kanyang dibdib para dito. Bahagya din itong natigilan, parang nakaramdam din siya ng konsensya dah