"A-Anong sinabi mo?" nauutal na tanong dito pero hinihiling niya na sana mali ang kanyang pagkarinig sa sinabi nito. "Buntis si Faye at ako ang ama," muling wika nito na halos ikaguho ng mundo niya. Pakiramdam niya ay mauupos siya na kandila sa kinatatayuan niya nabitawan niya ang hawak-hawak na backpack, hindi na niya alintana ang pagbagsak niyon. Halos gadget pa ang laman ng backpack na iyon. Tila nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod kaya hindi na niya nakontrol iyon at napalugmok siya sa sahig. Nanginginig ang kanyang mga kamay na idiniin nita sa sahig at nagtangka siyang tumayo pero tila wala talagang lakas ang kanyang mga tuhod dahil nalugmok lang ulit siya. "Sorry Amaya, ito ang bagay na gumugulo sa aking isipan. Hindi ko rin naman sinasadya na mabuntis si Faye at sa totoo