Naging masaya at punong-puno ng kulay ang buong linggo ng mag ninong na ngayon ay magkasintahan na. Sinusulit talaga nila ang bawat araw na lumilipas dahil natitiyak nila na may katapusan ang lahat ng sayang iyon. Pero hindi na nila iniisip ang bagay na iyon basta ini-enjoy lang nila ang bawat sandali na magkasama sila. Naging super sweet ang kanyang Ninong Amir sa kanya. Ipinaranas nito sa kanya kung gaano kasarap ang maging girlfriend ni Amir Dela Cerna. Kung napakasarap maging inaanak nito mas triple pala kapag naging girlfriend nito. Palagi nitong sinasabi na hindi marunong manligaw pero sa mga simpleng gesture nito sa kanya ay sapat nang dahilan para araw-araw siyang kiligin at para mas lumalim ang pagmamahal niya dito. Lalo na kapag inaangkin siya ng kanyang ninong ay ibayong sara