"Babe gising na 4am na aalis pa tayo," naalimpungatan siya sa panggigising ni Amir sa kanya. Antok na antok pa siya, halos hindi niya maimulat ang kanyang mga mata. Paano ba naman ang sinasabi nito na maagang matutulog inabot pa sila ng alas dose ng gabi dahil sa sinabi nito na papagurin siya, iyon pala parang gusto na siya nitong lumpuhin. Alas nuwebe na magpasiya silang matulog na sa kanyang silid. Palagi na kasi silang magkatabi matulog pero mas pinili niya sa kwarto niya sila matutulog dahil ayaw niya sa master bedroom dahil feeling niya ay iisang tao lamang ang maaaring mag-stay doon. Iyon ay ang kanyang ninang at dahil patay na ito, ang susunod na mag i-stay doon ay ang magiging pangalawang asawa ng kanyang ninong. Natitiyak niya na hindi siya iyon kaya wala siyang karapatan na m