"Wow! Napakaganda naman dito Ninong!" hindi niya napigilang bulalas ng pagbaba niya ng kotse. "Ninong?" medyo nakataas ang kilay na wika nito sa kanya. Nakalimutan niya na tawagin itong babe. Kasi naman nasanay na siya na kapag nasa labas sila Ninong ang tawag niya rito. Wala nga pala sa kanilang nakakakilala sa lugar na iyon kaya okay lang na umasta sila bilang magkasintahan. "Grabe napakaganda pala dito Babe! Tsaka ang daming tao grabe, akala ko bibihira lang pumupunta dito pero hindi pala, may mga estudyante pa oh!" masayang bulalas niya dahil napakaganda naman talaga ng lugar. Agad na tumakbo siya sa may signage na I love Haciendas de Naga. Ngayon niya natiyak na nananaghili din pala siya sa ganitong mga galaan. Hindi kasi talaga siya gumagala, palagi lang siyang nasa bahay ng N