"Babe, babe gising na malapit na mag 2pm. Kailangan mo pang uminom ng gamot." naalimpungatan si Amaya dahil sa paggising sa kanya ni Amir. Naramdaman nya ang marahang paghagod ng palad nito sa kanyang likod dahil bahagya siyang napaubo. Pero maayos-ayos naman ang kanyang pakiramdam. Hindi na katulad kanina na sobrang lamig ng kanyang nararamdaman tapos mainit ang katawan. Ngayon di na mainit ang kanyang katawan, at parang normal na lang pero basang-basa naman siya ng pawis. "Buti nalang bumaba na ang lagnat mo, kanina habang yakap-yakap kita napakainit mo talaga. Sorry babe ha mukhang nasobrahan nga yata talaga kagabi kaya nagkasakit ka, sa susunod kokontrolin ko na ang aking sarili hindi na iyong gano'n," nag-aalalang wika nito sa kanya. Hinawi nito ang mga hibla ng buhok na tumat