"Oh anak! Ginulat mo naman ako, akala ko ba sa sunday ka pa uuwi dito. Ano kumusta na pakiramdam mo? Magaling ka na ba? Aba teka bakit namamaga yata ang mga mata mo, umiyak ka ba?" nag-aalalang tanong kay Amaya ni Nanay Meling napalingon siya sa bahay ng kanyang Ninong Amir at natanaw ito na terrace habang nakatanaw sa kanya. Hindi niya ito pinansin bagkus nagpasya siyang pumasok sa loob ng bahay, hindi na rin niya nasagot ang may edad na kasambahay dahil ayaw na niyang makita pa ang kanyang Ninong. Baka ipagkanulo pa siya ng kanyang puso dahil nakikita niya ito na tila lungkot na lungkot habang nakatanaw sa kanya, kung dati rati kapag gano'n na nagkikita sila, kapag nasa terrace, kinakawayan niya ito sinisigaw niya ang pangalan nito at tuwang-tuwa siya kapag nakikita ito, pero ngayon p