"Sh*t! Ang baby! Papa bilisan mo pa po ang pagmamaneho, kailangan nating madala agad siya sa ospital!" tarantang pakiusap ni Amir sa ama. "Oo nga Babe, kawawa naman ang baby sana makaligtas sya!" nag-aalala wika naman ni Amaya tsaka kumuha ito ng tissue at pinunasan ang umaagos na dugo mula sa pagitan ng hita ni Faye pero hindi iyon maampat. Hindi na rin maipinta ang mukha ni Faye ramdam niya ang tila paghihirap nito at ang nararamdaman kong sakit. Kaya naman ilang sandali lamang ay nakahinga na siya ng maluwag dahil nasa tapat na sila ng isa sa pinakamalapit na hospital. Agad na inasikaso sila ng doktor at ipinasok agad sa emergency room si Faye. Alalang-alala naman silang tatlo kahit na ba naman napakasama ng ugali nito at pinahirapan talaga silang dalawa ni Amaya ay hindi naman nila

