Ilang araw pa bago nakalabas ng hospital si Amir. At eksakto naman na dumating ang result ng DNA test nang ipinagbubuntis ni Faye. At halos mapa tiim-bagang si Amir ng matiyak na hindi talaga siya ang ama ng bata. Nakalagay sa DNA result ay Probability of Paternity: 0% .Naikuyom na lamang niya ang kanyang kamao at naisuntok sa pader dahil napagtanto niya kung gaano siya ka gago at ginawang uto-uto lamang ng babae. Sinabi na rin ni Amaya ang tungkol sa tunay na ama ng bata at ang ginawa nitong patatangkang manipulahin ang DNA test na gagawin, mabuti na lang at nalaman nito ang plano ng lalaki. "Hayop talaga ng babaeng 'yan napaka walang hiya. Grabeng pera agad ang nahuthot niyan sa akin nag dahil lamang sa pananakot niya about sa bata na ipapalaglag niya tapos matutuklasan ko na lang na

