"Anong ibig sabihin mo, iniisip mo na hindi ikaw ang ama ng ipinagbubuntis ko?! Nak ng p*t* naman oh! Kung nagdududa ka pala eh 'di sana sa umpisa pa lang pinalaglag ko na ito kung alam ko lang na ganyan ang iniisip mo sa akin! Napakawalanghiya mo talaga pagkatapos ng ginawa mo sa akin ngayon pagdududahan mo naman iyong batang nasa sinapupunan ko. Alam mo kung duda ka huwag ka nang maging plastic! Hayaan mo na sana kami, at hinayaan mo na sana itong mawala! Masyado kang mapaghinala sa kapwa mo!" halos umusok ang ilong na pahayag nito sa kanya. Maging ang mata ay nanlilisik na nakatuon sa kanya. Wala naman talaga sa isipan niya na sabihin dito ang bagay na iyon lalo pa't medyo nag-aalala pa rin naman siya dito. Kaya lang talagang sumusobra na ito sa pagiging gastador at paghingi ng pera s

