"Hindi ba't hinahanap mo yung cellphone mo?" biglang tanong sa kanya ng kanyang Mommy kaya naman kunot-noong napasulyap siya dito. Hindi naman ito nagtatanong ng ganon sa kanya. Noong hinahanap nga niya ang phone sabi lang nito baka naiwala niya. "Yes Mom, kaya lang hindi ko po talaga mahanap kahit si Ninong ang sabi niya wala daw sa bahay nila, hindi daw niya nakikita tsaka daw noon pong umalis daw ako doon lahat ng gadget ko dala dala ko kaya imposible daw na nandoon po tsaka alam ko naman si Ninong Amir kung nandon iyong cellphone ko ibibigay niya sa akin kasi alam niya na mahalaga sa akin iyon. Teka bakit mo po naitanong Mommy?" kunot-noong tanong niya sa ina at matamang hinintay ang sagot nito. "Alam mo ba na noong mangyari ang aksidente mo sa bahay ng Lolo Ramiro mo nandoon si F

