"Amaya palagi ka bang nandito sa Ninong mo?" tanong ng papa ni Amir. Kasalukuyan silang kumakain ng tanghalian. Nagpasya ang kanyang Papa sa ilang araw na hindi pa dumarating ang mommy ni Amaya ay doon daw muna ito mamamalagi sa kanyang bahay para siguro mabantayan silang dalawa ni Amaya. Wala naman siyang nagawa kundi ang pumayag na lamang kaysa makipagtalo pa dito. Tinanong din ito kung nakuha na niya ng tuluyan si Amaya pero sinabi niya sa ama na hindi pa at hindi niya iyon gagawin hangga't hindi niya ito maging asawa. Dahil gaya nga ng sinabi niya dito nais niya na sa first night nito sa magiging future husband nito ibigay ang lahat lahat at syempre kung sino iyon napakaswerte na niya dahil ang iniingatan niya na hindi dito makuha ay ito ang makakakuha niyon. Malaki naman ang tiwa