"Nagtungo sa bahay natin si Faye at kami ng mama mo ang kinausap. Dahil hindi mo daw siya kinakausap, naka-block rin daw siya sa lahat ng accounts mo na pwede niyang makontak at hindi mo na rin siya pinapapunta dito sa bahay ninyo. At gusto ko ring mapagsabihan itong si Amaya dahil nagsumbong siya sa akin na sinaktan siya ng inaanak mo. Nanganib daw ang baby niya, iyan talaga ang pakay ko dito, ang tungkol sa ipinagbubuntis ni Faye pero hindi ko akalain na mas magugulat pala ako sa madadatnan ko!" Galit pa rin ang boses na wika ng kanyang Papa. Bigla siyang natuliro sa nalaman, papaano niyang nabuntis si Faye? Palagi naman siyang nag-iingat kapag ginagamit ito at palagi niyang sa labas ipinuputok kaya papaano niya ito nabuntis. At bakit hindi nito sinabi sa kanya? Bakit sa kanyang mga ma