Busy sa pag inspeksyon ng isang bus si Amir dahil may problema daw ang isang ito sa gulong kaya hindi nakabiyahe ng mag-pop up ang notification sa kanyang cellphone na naka-live ang page ni Amaya. Hindi niya iyon pinansin kaagad dahil tinapos muna niya ang problema sinigurado niyang maayos ang lahat saka niya binuksan ang notification at naka-live nga ang kanyang inaanak. Gusto niyang panoorin na lamang ito dahil miss na miss na niya ito pero sobrang na tambak na ang trabaho niya kaya naman heto at hindi siya pwedeng makauwi agad. Kaya naman nagpasalamat siya dahil nga naka-live ito. Ngunit pag-play ng video ay agad na nag-init ang kanyang ulo dahil nakalive na ito pero kasama nito sa live si Ryan ang classmate nito na ngayon ay nagpapakilalang boyfriend ni Amaya sa mga viewers nito. A