Matapos ang kasiyahang iyon sa reception ay nagpasya ang mga ikakasal na dumiretso sa private resort ni Amir sa Bagasbas. Ang nais sana niya ay mag-travel sila ni Amaya ngunit ayaw ng babae at nais nito na doon na lamang manatili sa bahay niya pero syempre espesyal ang araw na iyon sa kanila kaya minabuti niya na ayain na lamang ito na manatili sila kahit isang linggo sa kanyang beach resort. Pumayag naman ang kanyang mahal ang mga bisita naman nila ay nagsi-uwian na din at syempre matapos nila magpasalamat dito ay bigyan ng souvenir para naman kahit papaano ay may souvenir ang mga ito sa kanilang kasal. Gabi na sila ng makarating sa resort, pero magiliw pa rin silang sinalubong ni Mang Igme at nakahanda na pala ang kanilang uukopahing bahay. Ang bahay na magiging saksi sa pagpupulot gat

