Kabanata 45 “Kaya ko 'to. Handa ako.” Hinila niya ang aking kamay at walang paabisong kinarga ako. “Gaano mo ako kamahal?” Hinaplos ko ang maamo nitong mukha. “Higit pa sa buhay ko, buong puso kong tugon. Kinantilan nito ako ng halik sa aking labi. Tahimik lang naming tinungo ang tagong hardin. Nang marating namin ang hardin ay agad din naman niya akong ibinaba. Nakakabingi ang paglakas nang t***k ng puso ko. Kinakabahan na naman ako. “Handa ka na?” Napatango ako. Tinalikuran nito ako at lumusong sa tubig. Isa-isa rin nitong tinanggal ang saplot sa kanyang katawan. Napahugot ako ng malalim na hininga at lakas-loob na tinanggal ang aking suot na damit. Wala akong itinirang saplot na maaring tumakip man lang sa aking kahubadan. Mabibigat ang aking hakbang habang lumalakad papalapit