Kabanata 46 Muli akong napakunot ng aking noo at dahan-dahan na iminulat ang aking mga mata. Tatlong beses din muna akong napakurap bago tuluyang luminaw ang aking paningin. Nagsalubong ang mga kilay ko nang mabatid ko na narito pala ako sa aking silid. Napabuga ako ng hangin. Pakiramdam ko ay napakahaba nang tulog ko. Dahan-dahan kong iginalaw ang aking mga kamay. Bahagya pa akong natigilan dahil may nakapulupot na itim na marka sa aking kaliwang kamay. Mukha siyang tangkay ng itim na rosas at puno ng tinik. Napakunot ako ng aking noo. Kailan ba ako napalagay ng ganito? Wala akong matandaan. Dahan-dahan ko rin namang iginalaw ang aking mga binti. Namamanhid pa rin kasi ito ng kunti. Kumapit ako sa kama at buong puwersa kong iginalaw ang mga binti ko. “Ay!” daing ko nang mahulog ako s