Kabanata 47 Nakakatakot siya kung magalit. Ang maamo nitong mukha ay napalitan ng isang mabangis na nilalang. Naging pula ang mga mata nito, maging ang mga kuko ay humaba. Maging ang kanyang buhok ay nag-iban ng kulay. “Mattheaus!” Narinig ko pang pagtawag ni Steffano sa kanya. Napabitaw ito sa aking leeg kaya't napaubo ako ng matindi. “Mamatay ka!” biglang singhal nito at akmang itatarak sa akin ang punyal, ngunit bago pa man ito maitarak sa akin ay naibalibag na siya ni Steffano at tumama sa pader. “Catherine...” Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala. Walang kahirap-hirap nitong tinanggal ang solidong kadena na nakatali sa akin. Nang matanggal ang mga ito ay agad ko siyang niyakap at napahagulhol ng matindi. Natatakot ako ng sobra! Maging ang aking mga tuhod ay nangingin