Kabanata 48 “Sagutin mo na ako,” pangungulit ko. “Kaya ka may ganito dahil nilagyan kita. Paraan ko ito para madali kitang mahanap.” Mariin akong napakagat na aking labi at napayakap sa kanya. “Patawad kung naging makitid ang naging pananaw ko rito.” Hindi siya kumibo bagkus ay niyapos lamang ako ng yakap at marahang dinampian ng halik ang aking leeg. Pagsikat ng bukang-liwayway... Sa pagmulat ng aking mga mata'y kanyang mukha agad ang aking nasilayan. “Magandang umaga...” bulong ko rito at isiniksik ang aking katawan sa kanya. “Hmm...” tanging ungol nito at nakapikit pa rin ang mga mata. Alam kong hindi siya tulog ngunit tila'y pinipilit nito ang umaktong normal. Napadilat naman siya bigla nang tumama sa kanyang mukha ang sikat ng araw. Bumaling ito sa akin at masuyong hinaplos