Kabanata 49 “Ngunit mas matimbang ang ina mo sa akin Catherine. Para ko na siyang kapatid at hindi ko maiwasang sisihin ang aking sarili. Dapat naging pantay ang pagtrato ko sa kanila ngunit hindi nangyari iyon.” Napahugulhol ito kaya't niyakap ko siya. “Tama na Mocha, magiging maayos din ang lahat, alo ko rito. “Sana nga Catherine.” Napatayo naman ito at inayos ang kanyang sarili. “Lumakad ka na. Ang alam ko'y may lakad daw kayo, nakangiti nitong sambit. Napaawang ang aking bibig. “Wala naman siyang sinabi na aalis kami,” sagot ko pa. “Pero iyon ang sinabi niya sa akin. Sige na Catherine, paalam sa iyo, aniya at agad nang umalis. Ni hindi niya man lang ako hinintay na makasagot man lang. Nailing na lamang ako at napatayo. Agad din naman akong bumalik sa bahay. Nang makapasok ako'y