Kabanata 37 Sinuklay ko na ang aking buhok. Kumalat na ng husto ang pag-iibang kulay nito at hindi ko na ito kaya pang itago. Hinayaan ko na lamang itong nakalugay at inilapag ang suklay na hawak ko. Wala kaming pasok ngayon kaya aabalahin ko ang aking sarili sa pagliliwaliw. Pumanaog na ako at laking gulat ko ng maabutan ko ang Mama na may kausap sa sala. Agad akong napaatras ng aking hakbang at nagkubli. “Kumusta ka na anak?” wika ni Mama. Napakunot ako ng aking noo. May iba pang anak ang Mama bukod kay Cedrick? “Ano sa tingin ninyo...” Tila maangas at wala itong respeto kung sumagot. “Pakiusap ko naman sa iyo, itigil mo na ito anak. Nawala na sa akin ang kapatid mo at ayaw kong pati ikaw ay lamunin din ng kasamaan.” Rinig na rinig ko mula sa aking kinatatayuan ang paghikbi ng