Kabanata 38 “Catherine, bakit?” ani tiyang. Napatuwid ako nang tayo. “Ho? Wala po tiyang, salamat po dito,” alanganin ko pang sagot at pilit na inaagaw ang atensyon nito huwag lamang mapalingon sa likuran niya. “O siya, aalis na ako,” anito at lumabas na ng aking silid. Ikinandado ko pa ang pinto dahil baka'y pumasok bigla ang tiyang, lalo na si Mama. Napailing na lamang ako at akmang uupo ngunit bago pa man ako makaupo ay naunahan na ako ni Steffano. Nakakandong tuloy ako sa kanya ngunit hindi na ako nagreklamo pa. Naglalambing ito sa akin at gusto ko rin namang makabawi sa kanya. Alam kong nagseselos pa rin ito kay Zairan at hindi ko naman iyon maiaalis sa kanya. “Kumain ka na... aniya. Isiniksik nito ang kanyang mukha sa aking leeg at ipinulupot ang kanyang mga bisig sa aking b