Kabanata 39 “May sugat ka ba? Anong masakit sa iyo?” natataranta kong tanong. “Catherine...” Nag-angat ako ng aking paningin. Bigla na lamang nitong pinahiran ang aking pisngi. Hindi ko man lang namalayang naiyak na pala ako. “Ayos lang ako... wika niya at niyakap ako. Mas lalo akong naiyak. Kakaiba man ang angking katangian niya ngunit hindi pa rin maaalis sa akin ang mag-alala at mabahala. Kahit man ay may pagbabagong nangyayari sa kanya'y hindi pa rin dapat ako makampanti. “Sino ba iyon?” naitanong ko. “Isang kaaway, tipid nitong sagot. “Mamayang gabi na tayo bumalik, dagdag pa nito. Napatango lang ako at pinunasan ang aking luha. Napamasid ako sa aking paligid. Ngayong ko lang napagtantong maganda ang loob ng bahay. Maliit man ngunit kakasya na rito ang isang maliit na