Kabanata 30 LUMIPAS ang ilang oras na paghihintay ay nagpakita na ang buwan. Napakapit ako kay Mocha. Para akong gaga! Iba pala talaga iyong pakiramdam kapag nagsisimula na ang laro. Nakuha ko pa ang maging matapang gayong ang totoo'y takot na takot ako ng sobra dito sa kaloob-looban ko. “Huwag kang bibitiw sa akin kapag nakapasok na tayo. Mapanganib din ang larong ito Catherine,” bilin ni Mocha sa akin. Tumango lang ako. Lumakad na kami palapit sa lumang bahay. Masiyado itong malaki kaysa sa bahay ng mga Zoldic. Bumukas na ang tarangkahan papasok at baliwala sa mga kaklase ko ang larong ito dahil panay pa ang pag-uunahan nilang makapasok. “Hindi tayo puwedeng magtagal sa loob Catherine kaya kumapit ka sa akin ng mabuti,” ani Mocha. Tango lang ako nang tango. Daig ko pa ang pipi da