Kabanata 31 Unti-unti na naging abo ang kaliwang bahagi ng katawan niya. Halos ingudngod ko na rin ang aking mukha sa bintana at basang-basa ko kung paano niya bigkasin ang pangalan ko. “Hindi!” pagwawala kong muli at pilit na winawasak ang bintanang nasa harapan ko. Nagimbal ako sa nakita ko. Binuksan pang lalo ang takip na nasa kisame at halos malusaw na ang buong katawan niya. “Hindi! Ahh!” pagwawala ko ng husto. Wala na siya! Wala na! Para akong mababaliw sa sobrang sakit! “Ahh!” sigaw ko at halos lahat ng salamin sa paligid ko'y nabasag, kahit na ang mga bintana. Diretso akong bagsak sa sahig at pakiramdam ko'y nawalan ako ng lakas. “Steffano...” huling bigkas ko bago ako mawalan ng ulirat. Nakapikit ang aking mga mata ngunit rinig ko ang mga yabag nila. Mga kalansing ng m