Epilogue “Catherine!” Napalingon ako kay Mocha na masayang lumalakad palapit sa akin. “Pakarga naman o.” “Oo naman.” Ibinigay ko sa kanya si Cereina. “Ang ganda niya talaga, 'no? Mana sa iyo, Catherine.” Napatawa ako ng marahan. “Hindi sa akin, kay Steffano.” Pareho kaming napatawa ni Mocha. “Catherine?” Napabaling ako kay Mattheaus. Nakakailang man ngunit matamis pa rin akong napangitin sa kanya. “Bakit Mattheaus? May kailangan ka ba?” Napatango naman ito. Bumaling ako kay Mocha. “Iwan ko muna sa iyo si Cereina.” “Ako ang bahala,” sagot din naman ni Mocha sa akin. Umunang lumakad si Mattheaus at alanganin pa akong napasunod sa kanya. Nahinto kami sa may duyan kung saan ako naglalagi kunwari para tumakas kay tiyang, mapuntahan lang si Steffano. Nauna itong naupo sa duyan
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books