Kabanata 54 “Tara na, mahal ko, gayak niya sa akin. Napatango ako at lumakad na sa gitna na kasama siya. Hindi nagtagal ay umabot na kami sa harap ng altar. “Ah... ani pa ng padre. Halata sa mukha nito ang pagkagulat sa itsura namin. “Mawalang galang na padre Ben, maari bang ang huling parte na lang ang sambitin niyo. Nagmamadali ho ako, ani Steffano. Wala pa sa sarili kong nahampas siya sa kanyang balikat. Inismiran niya lang ako. Napatikhim naman ang padre. “Kayo ho ang bahala, Ginoong Zoldic, ani ng padre. “Cedrick talaga o! Panira ng kasal,” iritado pang sambit ni Mocha. “Simulan na natin...”ani ng padre. “Kayo ay inaanunsyo ko bilang tunay at lihetimong mag-asawa. Maari mo na siyang halikan, ani ng padre. Hindi pa man ako nakakaayos ay agad na niya akong ginawaran