Kabanata 53 “Puwes walang kasiguraduhan ang sinasabi mo kaya't dapat siyang mamatay!” Sa isang kisap-mata ko lang ay siya ring paglalabanan nilang dalawa. Pilit na inilalayo ni Steffano sa akin ang taong-lobong iyon, ngunit masiyadong pantay ang lakas nilang dalawa. Wala akong nagawa kundi ang lumuha at panooring nakikipagpatayan ang dalawa sa isa't isa. “Tama na!” sigaw ko ngunit parang bingi ang dalawa. Halos nagkagutay-gutay na ang suot na tuksedo ni Steffano. Sira na ang pinapangarap kong kasal! Halos hindi ko na makita kung paano magpatayan ang dalawa dahil sa nanlalabo kong mga mata. “...aah!” biglang daing ko at napahawak sa aking tiyan. May kung ano sa loob ko ang pilit na kumawala. “...aah!” muling hiyaw ko at napaluhod na sa sobrang sakit. “Catherine!” Narinig kong t