Kabanata 52 “Hindi! Mang Isko! Gumising ho kayo!” pilit kong pukaw rito sa pagitan ng aking mg luha. Ngunit kahit ano pa ang gawin kong pagsigaw ay wala na itong epekto– patay na siya! Wala sa sarili kong naipahid sa aking suot ang aking kamay na may bahid ng dugo ni Mang Isko. Hindi ako puwedeng tumunganga na lang at hintaying iligtas ako ni Steffano. Kailangang mapahinto ko ang kalesang ito sa kahit ano mang paraan! Mangiyak-ngiyak man at puno ng takot, hindi para sa sarili kundi para na rin sa anak ko ay lakas loob kong pinunit ang ibabang parte ng aking suot na trahe de boda. Kung hindi ko kasi ito gagawin ay mahihirapan ako sa paglabas dito. Tinanggal ko rin ang aking suot na belo at muling pinunasan ang mga luha ko na kanina pa walang awat sa pagtulo. Wala na akong pakialam kung k