Kabanata 51 Nang magising akong muli ay halos wala na naman akong maalala. Lagi namang sinasabi ni Steffano sa akin ang mga nangyayari. Simula nang magkaproblema ako sa pagbubuntis ko'y nanatili lamang ako sa aking silid. Nakakabagot man ngunit laging gumagawa ng paraan si Steffano na 'di ako maburyo sa loob ng bahay. Ilang linggo na rin akong umiinom ng dugo ng hayop sa tuwing ginugusto ng anak ko ang kumain. “Catherine...” Nilingon ko si Steffano. “Sa susunod na linggo ay magpapakasal na tayo, aniya. Lumapit ako sa kanya at naupo sa kandungan nito. Umayos pa ako upang 'di maipit ang aking tiyan na may kalakihan na rin. “Talaga? Sayang at wala ako para pagkaabalahan 'yon,” panghihinampo ko pa. Nailing naman ito at kinantilan ako ng halik sa aking labi. “Maselan pa ang kalagayan m