Part 9: New Day

1525 Words
Part 9: A New Day Malakas ang t***k ng puso ni Yue noong unang beses siyang umahon sa lupa. Agad siyang nagsuot ng damit at ginawa ang lahat ng mga bagay na itinuro sa kanya ng inang si Seres. Inakala niya na magiging malaking challenge ang hanapin si Marine, ang kaibigan ng kanyang ina. Ngunit hindi niya inaasahan na nakaabang na pala ito sa pampang ng karagatan na tila pa alam na niya na may darating siya panauhin. "Naramdaman ko ang enerhiya ng mahiwagang kabibe kaya't agad ko itong pinuntahan. Ang akala ko ay si Seres ang makikita kong may hawak nito," ang nakangiti niyang salita. "Ako si Yuelo, ako ang anak ni Seres," ang pagpapakilala ko. "Alam ko, madalas kang naikukuwento sa akin ni Seres kapag nagkikita kami sa ilalim ng dagat. At sinabi niya sa akin noon na kapag ikaw ay nagdesisyon na umakyat dito sa lupa ay tulungan kitang makapag-adjust sa bago mong kapaligiran. So here I am! Ako ang magiging gabay mo dito sa magulong mundong ito," ang nakangiti niyang sagot. Noong mga sandaling iyon ay nawala ang kabang nararamdaman ni Yue dahil alam niyang tutulungan siya ni Marine ng mga bagay dapat niyang laman dito sa high land. Tama nga sila, masyado itong malawak, maraming tao at magulo ang paligid. Maingay din at abala ang mga tao sa kanilang mga gawain. At higit sa lahat, ay dito rin niya napagtanto na ang mga tao pala ay walang pinagkaiba sa mga sirena na nagkakaroon ng mga paa. Kaya naman pala mahirap malaman kung sino ang sirena at kung sino ang tunay na tao sa lugar na ito. Kinupkop ni Marine si Yue sa kanyang tirahan. Dahil madalas siyang nag iisa ay masaya siya na makasama ang binata dito sa kanyang maliit na bahay. "Mag isa ka lang dito? Paano ka nabubuhay sa ganitong lugar?" tanong ni Yue sa kanya. "Nakasanayan ko na lamang, alam mo bata pa lang ako ay pangarap ko na maniharan dito sa lupa. Kaya naman sabay kaming nagtungo ni Seres dito upang subukang mamuhay. Noong mabigo si Seres sa pag ibig ay bumalik siya sa karagatan at ako naman ay nanatili na lamang dito sa lupa upang ipag patuloy ang buhay," paliwanag ni Marine. Nakasunod lamang sa kanya si Yue, "mahirap ba ang mamuhay dito sa lupa?" makulit na tanong ng binata. "Sa tingin ko ay hindi naman mahirap as long as madiskarte ka. Dito ko nagagawa ang mga bagay na gusto katulad ng mga pinta ng mga larawan at mag desenyo ng mga paso. Huwag kang mag-alala dahil ituturo ko sa iyo ang lahat ng ito," wika ni Marine habang nakangiti. Hindi maitago ni Marine ang saya noong mga sandaling iyon. Agad niyang ipinakilala si Yue sa kanyang mga kaibigan bilang isang pamangkin na nagbabakasyon dito sa tabing dagat. Samantalang si Yue naman ay patuloy lang sa pagtingin sa kanyang paligid dahil ang lahat ay bago sa kanyang mga mata. Nakakapanibago rin ang magandang sikat ng araw. Masarap ito sa balat at nagbibigay sa kanyang ng masarap na pakiramdam. "Natutuwa ako dahil tinuruan ka ni Seres ng mga bagay na dapat mong gawin dito sa itaas ng lupa. Kumusta pala ang unang beses na tumayo ka gamit ang iyong mga bagong paa? Masakit ba?" tanong ni Marine. "Oo, masyadong masakit ang unang beses na humakbang ako gamit ang aming mga paa, pero worth it naman dahil mas madali ang maglakad kaysa lumangoy," tugon ni Yue habang nakangiti. Natawa si Marine, "Nakaka relate ako sa pakiramdam, pero sa pagsapit ng dilim kay kailangan nating magtago dahil ang ating mga buntot ay lalabas muli. Delikado kapag nalaman ng mga tao na isa tayong sirena, tiyak na gagawin nila ang lahat para hulihin tayo." "Nauunawaan ko tiya, iyan ang bilhin sa akin ng aking ina. Ang mga tao ay malulupit at inaabuso nila ang karagatan kabilang na ang mga naninirahan dito," sagot ni Yue. "Well ang pamumuhay dito sa lupa ay hindi rin ganoon kadali. Iyon marahil ang dahilan kaya't gumagawa ang mga mangingisda at ibang tao ng mga ilegal na bagay," ang sagot ni Marine. Maraming ikinuwento si Yue na mga ganapan sa ilalim ng karagatan. Kabilang na rito ang pamumulot niya ng mga magagandang gamit na nahuhulog sa ilalim ng karagatan mula dito sa itaas ng lupa. Naisalaysay rin niya ng detalye ang nangyaring pagkasira ng kanilang tahanang Liquara dahil sa pagkalat ng isang oil tank na naglalaman ng mataas na uri ng lason. Bumakas ang mukha ni Marine ang lungkot dahil sa kanyang narinig. Ang Liquara ay matagal na nilang tahanan kaya't hindi siya makapaniwalang nasira na ito. At mas lalo siyang nabigla noong sabihin ni Yue ang kanyang misyon. Hindi siya makapaniwala na nagpadala ang mga eleder mermaids ng isang baguhang assassin sa lupa. "Talaga? Hindi ka naman mukhang assassin? Anong plano mo ngayon?" tanong niya kay Yue. "Wala naman akong pamimilian kundi ang ituloy ang misyon. Umaasa ang mga kalahi natin na mabibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ng maraming sirena sa ating nasasakupan," sagot ni Yue, halata sa kanyang mukha na walang ideya kung paano isasagawa ang misyon. “Oo, naunawaan ko. Kapag gumawa ng desisyon ang mga elder ay wala tayong magagawa kundi ang sundin ito. Dahil ang paglabag sa kanilang nais ay parang paglabag na rin sa ating buong lahi," dagdag ni Marine. Pareho silang napabuntong hininga.. Tahimik.. "Ang unang hakbang na maaari mong gawin ay ang mag spy, kailangan mong kilalanin ang iyong target upang magawa mo ng maayos ang iyong misyon. Kilala ko si Ryou Guerrero, isa itong mayamang bilyonaryo doon sa siyudad. At ang mayayamang businessman doon ay mahilig sa mga paintings. May ilan na akong artwork na naibenta sa kanila," paliwang ni Marine. "Ano ang gagawin ko?" tanong ni Yue. "Hindi ko kilala si Ryou Guerrero ng personal pero siya ay popular dahil isa siyang sikat na businessman. Gwapo siya at marami ang naattract sa kanya. Ang alam ko lang ay mahilig si Ryou Guerrero mangulekta ng mga weird na paintings, yung mga abstract at kakaiba ang mga designs. Maaari mo itong gamitin upang mapalapit sa kanya," ang nakangiting sagot ni Marine. "Paano naman ako makakapag painting? Hindi naman ako marunong nito?" Natawa si Marine, "Don't worry, ako ang magtuturo sa iyo ng bagay na dapat mong malaman dito sa lupa. Para saan pa at naging mag best friend kami ni Seres at ng iyong ina? Halika nga dito at susuklayin ko ang buhok mo. Puro buhangin pa ito!” ang dagdag ni Marine. "Lahat naman ng mga mermaid ay maganda, diba tiya?" tanong ni Yue. "Totoo! Iyan ang mga bagay na mahirap ideny. Katulad mo, tiyak na maraming mga taga rito ang mahuhumaling sa kagwapuhan mong taglay,” sagot ni Mairne. "Sa palagay mo ba ay magiging masaya ako dito sa ibabaw ng lupa?" tanong ulit ni Yue. "Yue, ang kaligayahan ay nakadepende sa iyo. Tayong mga sirena ay madaling nakakapag adjust sa ating paligid. Matatalino tayo at madaling natututo ng mga bagay na ngayon pa lamang natin gagawin. Sa ilang taon kong pananatili sa lugar ito, napatunayan kong mas matatalino ang mga mermaid kaysa sa mga normal na tao dahil mabilis tayong maka adpot sa ating kapaligiran," paliwanag ni Marine "Tapos na!" dagdag pa niya Sinuklay niya ng maigi ang buhok ni Yue. "Mas bagay sa iyo yung nakabagsak na buhok,mas mukha kang heart throb at artista sa telebisyon. Kailangan kitang alagaan dahil siguradong maraming magkakagusto sa iyo dito sa high ground." Humarap si Yue sa salamin at napangiti siya. Ito ang unang pagkakataon na may nag ayos sa kanyang buhok at nagustuhan niya ito. Mas naging clear ang kanyang mukha at mas umaliwalas ito. KINABUKASAN.. Nagsimula na si Marine na ituro kay Yue ang mga bagay na dapat niyang malaman, katulad ng pag inom ng tubig gamit ang baso, ang pagkain sa plato at ang tamang pag aayos ng kanyang sarili. Tinuruan din siya kung paano matulog ng nakahiga at paano pakisamahan at batiin ang tao sa kanyang paligid. "Ngumiti ka lang ay sapat na iyon para mapaganda ang kanilang araw. Maaari mo silang kausapin ngunit dapat ay maging magalang ka lalo na sa mga matatanda. Walang pinakaiba ang mga sirena sa mga normal na tao pagdating sa pakikipag usap. Lagi mo silang ngingitian dahil ito ay nagbibigay ng positive energy. PERO huwag kang ngingiti mag isa dahil baka mapagkalaman kang mentally retarded," ang biro ni Marine habang lumalakad sila galing sa market. Suot ni Yue ang isang putting t-shirt at kanyang kagwapuhan ay talagang madaling napapansin ng mga tao sa kanyang paligid. Para siyang isang diyos naglalakad habang hawak ang basket ng gulay na pinamili. Ang mga tao sa paligid ay natutulala at napapatitig na lamang sa kanyang gwapong mukha.. Bagamat hindi naging madali kay Yue ang mga unang araw sa ibabaw ng lupa ay ginawa naman niya ang best niya para makasabay sa magulong agos ng pamumuhay dito. Madalas siyang nagkakamali ngunit ito ay parte ng kanyang pag aadjust sa buhay ng isang normal na tao. Ngayon ay para siyang nakatira sa ibang mundo. Sa isang malawak na lupain kung saan siya ay isang istranghero at walang malinaw na direksyon sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD