Part 10: City
Tuloy pa rin ang training ni Yue sa ilalim Marine. Ang mga sirena ay espesyal at matatalino, madali silang nakakapag adjust sa mga bagay sa kanilang paligid. Kaya naman kahit ilang araw pa lamang si Yue ay alam niya kung paano kumilos ng normal katulad ng mga tao sa kanyang paligid. Alam na niya kung paano maki "blend in” at ngayon ay hindi na siyang parang isang inosenteng bata na iniwan ng kanyang mga magulang sa palaruan.
"Yue, katulad ng sinabi ko sa iyo, ang pinaka madaling paraan para makalapit ka sa mayayamang tao ay ang paggawa ng artworks. Ngayon ay tutulungan kita kung paano ginagawa ang painting," ang sabi ni Marine habang nakangiti.
Napatingin si Yue sa mga paintings na ginagawa nito, "Tiya, hindi ko kaya ang ganyan. Wala naman akong talento sa paggawa ng imahe."
"Subukan mong gumuhit ng isang simpleng imahe saka mo ito lagyan ng kulay," ang mungkahi ni Marine.
At iyon ang sinunod ni Yue, ang unang imahe na kanyang unang ginawa ay ang larawan ng buwan na kumikinang sa madilim na gabi. Ito ang mga bagay na hinahanap hanap niya magbuhat noong makarating sa lugar na ito.
Dito nagsimula ang painting lesson ni Yue. Dahil si Ryou ay mahilig sa mga painting ay ito ang gagamitin niyang paraan para mapalapit sa binata at upang maisagawa ng matagumpay ang kanyang misyon. He was also planning na gamitin ang kanyang charm and charisma para mapalapit dito. Iyon nga lang ay hindi pa niya alam kung paano ito ginagamit.
"Madali ka naman pala matuto, tingnan mo ang husay mo na agad mag kulay. Sa tingin ko mga ilang araw lang ay matatapos mo na ang unang master piece mo," wika ni Marine habang nakatingin sa art work. Habang pinagmamasdan niya ang painting ni Yue ay nafigure-out niya na ito pala ay isang merman naka upo sa batuhan habang nakatingala sa buwan.
"Anong inspirasyon mo para idrawing ang ganyang ka-artistic na imahe?" tanong niya.
.
Nagbitiw ng ngiti si Yue, "ito ay ako, nagdadasal sa buwan na sana ay maging maayos ang lahat."
"Syempre naman, magiging maayos rin ang lahat," ang sagot ni Marine, pero ang totoo ay naaawa siya kay Yue dahil hindi akma sa kanyang edad at sa kanyang personalidad ang maging mamamatay tao. At isa pa ay duda siya kung magagawa niya ito dahil si Ryou Guerrero ay isang makapangyarihang na tao.
Hands on si Marine sa pagtraining kay Yue, sa paglipas ng araw ay nagdesisyon siya na dalhin ang binata sa center ng city kung saan naroroon ang malalaking company at building ng mga Guerrero. Gusto lamang niyang makilala ni Yue ang kanyang target upang mapag isipan niyang mabuti kung anong strategy ang gagawin niya para iassassinate ito. Bagamat tila imposible nga itong gawin lalo't maliit ang chance na makalapit kay Ryou.
"Iyan siya, iyan si Ryou Guerrero. Yung lalaking nakasuot ng black suit and tie, siya matangkad, gwapo at makapangyarihan. Nakita mo ba kung gaano karaming mga security ang nakapalibot sa kanya? Hanggang may mga security sa kanyang paligid ay maliit ang tiyansa na makalapit ka sa kanya," bulong ni Marine.
"Kung ganoon ay gagawa ako ng paraan para makalapit sa kanya. Lahat ng makapangyarihan na nilalang ay may kahinaan ring itinatago. Ang kailangan ko lang ay malaman kung ano ito," ang sagot ni Yue.
"Ang tanging paraan para maging malapit sa kanya ay ang makipagkaibigan ka sa kanya o kaya ay gamitin mo ang charm and charisma mo para magustuhan ka niya. Kung plano mong patayin si Ryou ng face to face ay hindi mo magagawa ito. Napaka imposible dahil protektado si Ryou ng kanyang mga security guards," Paliwanag ni Marine.
Somehow ay nakuha ni Yue ang point ni Marine. At nakuha na rin niya ang reason kung bakit siya dinala dito sa magulong siyudad. Kakaiba ang parteng ito ng lupa, masyadong maraming tao ang nasa paligid, malalaki ang mga gusali, maingay at magulo.
Para kay Yue, ito na yata ang pinaka nakakatakot na parte ng lupa dahil hindi ito mapayapa katulad ng mga lugar sa tabi ng karagatan na tanging tunog ng alon lamang ang maririnig sa buong paligid. Ang siyudad ay kakaiba, parang kang nasa ibang mundo.
"Narealize mo ba kung gaano kahirap ang ibinigay sa iyong misyon? Hindi ito biro at lalong hindi ito isang laro. Commonly, ang ibinibigay lang na misyon sa mga mermaid ay ang pag-aral ang pamumuhay ng mga tao, mula sa pagbabasa, pagsusulat at pag gamit ng mga bagay na dito lamang sa lupa matatagpuan. Sa buong buhay ko, ito yata ang unang pagkakataon na naka encounter ako ng isang mermaid na ang misyon ay mag assassinate ng isang makapangyarihang tao. Sa tingin ko ay matatagalan ka bago mo maisagawa ang misyong ito," wika ni Marine habang napapabuntong hininga.
"Nauunawaan ko, sa tingin ko ay kailangan kong paghandaang mabuti ang bawat kilos nagagawin ko," tugon ni Yue.
"Tama, dahil isang maling kilos ay mapapahamak ka. Ang misyon mo ay mapanganib at nakataya ang buhay mo dito kaya't kailangan mong mag ingat," dagdag ni Marine, hinawakan niya ang kamay ni Yue at nagdesisyon na ilayo muna ang binata sa siyudad dahil hindi pa ito masyadong sanay sa ingay ng paligid.
Dumaan ang mga araw, itinuloy na lang ni Yue ang kanyang ginagawang painting at nagpplano siyang dalhin ito sa art gallery upang ibenta. Ito din ang naisip niyang magiging ticket upang makalapit sa mga businessman kabilang na si Ryou Guerrero. Tinandaan niyang mabuti ang itsura ng lalaki upang hindi niya ito makalimutan.
Noong matapos ang painting ay nagulat si Marine dahil maganda ang ginawa niya para sa isang first timer. Hindi niya alam na may hidden talent pala si Yue sa pagpipinta ng larawan dahil mabilis itong natuto. Maganda rin ang ginamit na color combination sa buntot ng mermaid sa painting dahil nagliliwanag ito sa tuwing tinatamaan ng ilaw. Talagang nakakabilib si Yue, no wonder kung bakit siya ang ipinadala sa ganitong kabigat na misyon.
"Tiya, tingnan mo ito, habang naglalakad ako pabalik dito sa bahay ay may nakita akong humintong sasakyan doon sa kalsada at itinapon niya sa basurahan ang mga gamit na ito," ang excited na salita ni Yue. Inilapag niya ang plastic sa harapan ni Marine at binuksan ito.
Ito ay naglalaman ng mga damit at mga sapatos na panlalaki. Maayos pa naman ang mga ito, kaunting laba lamang ay mapapakinabangan pa.
Natawa si Marine, "Yue, ganyan talaga dito. Yung mga mayayamang tao ay itinatapon lamang ang mga damit na hindi na nila ginagamit. Para makuha ito ng iba at mapakinabangan pa. Don't worry lilinisin ko ang mga ito para maisuot mo."
Masaya si Marine noong mga sandaling iyon. Yue is truly exceptional. Ilang days pa lang siya dito sa lupa pero madali na niyang natutunan ang uri ng pamumuhay. Pati ang mga lugar ay halos kabisado na rin niyang puntahan. Alam na rin niya kung paano makipag usap sa mga tao sa kanyang paligid na parang isang tunay at normal na tao. Handa na si Yue at kaunting guidance na lamang ang kanyang kailagan.
ONE MONTH LATER
Matagumpay na naidisplay ang painting ni Yue sa Historica Art Gallery, isa sa pinakamalaking art gallery sa buong siyudad.
Isa ang kanyang painting sa napili para idisplay sa "fantasy category" kasama ang iba pang artwork na may mga design na fairies, monsters, unicorn, vampires at iba pa.
Nagtungo si Yue sa exhibit suot ang kakaibang combination ng damit na kanyang napulot sa basurahan. Namili rin siya ng sapatos na maganda ang desenyo. Wala siyang alam sa fashion kaya't kahit weird ang kanyang datingan ay okay lang sa kanya.
Hindi rin niya alam na ang sapatos ay magkapares na isinusuot. Kaya ang kinuha niya ay dalawang magkaibang kulay sapatos at hindi magkapares.
Ngayon, si Yue ay nakasuot ng weird na damit na hindi akma ang color combination. At suot rin niya ang sapatos na hindi magkapares.
Pagdating niya sa loob ng art gallery ay agad niyang hinanap si Ryou Guerrero. Sigurado siyang nandito ang binata dahil nakita na niya ang pangalan nito sa VIP guest. At dahil painting niya ang isa sa mga exhibit ay madali siyang makakalapit sa mga businessman para imarket ang kanya artwork.
That moment, si Ryou Guerrero ay nasa loob na rin ng building at nagsisimula na itong tumingin ng paintings para sa kanyang bagong design na office.
Naghahanap ang binata ng kakaibang painting, isang artwork na mayroong ipinababatid na mensahe. At sa hundreds ng painting na nasa kanyang paligid ay nakapukaw sa kanyang attention ang isang artwork na weird at kakaiba ang style.
Ito ay ang painting si Yue na parang tinatawag siya at iniimbitahan siyang lumapit..
"Halika.. Ryou, lumapit ka at pagmasdan mo ako," ito ang boses na naririnig niya habang nakatingin sa painting ni Yue.
Natauhan ang binata, agad siyang lumapit sa painting at pinagmasdan ito.
Hinawakan rin niya ang buntot ng sirena sa painting dahil talagang kumikinang ito sa tuwing tinatamaan ng liwanag. Maraming well excuted na fantasy themed painting sa paligid pero ang isang ito ang pinaka weird sa lahat.
Noong mga sandaling iyon ay nakatingin lamang sa kanya si Yue. Nagtagumpay ang binata na makuha ang atensyon ng bilyonaryo.
Huminga siya ng malalim at nagpasyang lapitan si Ryou habang nakatitig sa kanyang painting.
"Hi, naniniwala ka ba sa merman?" ang tanong niya ang habang nakangiti.
Tumingin sa kanya si Ryou..
Ito ang unang pagkakataon na silang dalawa ay nagkita. Wala silang kamalay malay na noong mga sandaling iyon ay nagsimula na ring magbago ang takbo ng kanilang mga buhay..