Part 11: Jihan's Rival

1695 Words
Part 11: Jihan's Rival "Okay ka lang ba? Are you serious? Bakit binili mo itong weird na painting na ito doon sa lalaking iyon?" tanong ni Jihan habang pinagmamasdan ang painting na binili ni Ryou kay Yue. "Weird ang painting dahil silver ang buntot ng mermaid at masyado itong malungkot kapag pinagmasdan. Teka, ano bang alam mo sa art appreciation?" tanong ni Ryou sa kanya. "May alam ako sa art dahil isa akong fashion designer. At ako rin ang nagdedesign ng marketing lay out ng mga posters at print ads ng cosmetic products namin," ang sagot ni Jihan. Natawa si Ryou, "magkaiba ang fashion designing sa pagpipinta ng artwork. Teka nga, ano bang ginagawa mo dito? Akala ko ba ay nasa fashion event ka ngayon?" "Hindi ako umattend because I'm bored, terribly, helplessly bored," sagot ni Jihan. Umupo siya sa tabi ni Ryou at marahang gumalaw ang kanyang kamay sa matipunong dibdib nito. “Parang gusto kitang makayakap ngayon,” ang wika ni Jihan habang namumungay ang mata. "Ano bang sinasabi mo? Bakit hindi ka na lang matulog sa inyo? O kaya ay subukan mong mag painting para maidisplay ko dito yung artwork mo, what do you think?" tanong ni Ryou. Tumingin sa kanya si Jihan at sinimulan siyang akitin nito, "Forget about painting! Forget about everything! Choose me! Marry me and let me make you happy." "Ano bang sinasabi mo? Are you okay?" tanong ni Ryou. "Inaakit kita, hindi ka ba talaga tinatablan? Hindi ka ba nagagwapuhan at nasesexihan sa akin? Hindi ba ako mukhang hot sa paningin mo?" naiinis na tanong ni Jihan. "Gwapo ka at matalino, elegante at may class kung kumilos. Kahit sino namang tao ay mahuhumaling sa iyo," ang sagot ni Ryou. Tumaas ang kilay ni Jihan, "Talaga lang ha, balita ko nagpunta dito yung lalaking nagpinta ng panget na artwork na iyan. Siguro may gusto ko sa kanya kaya kahit sobrang pangit ng painting niya binili mo pa rin?" "Nagpunta siya dito dahil binayaran ko yung painting niya. At hindi ko siya gusto kaya itigil mo na ang pangbibintang sa akin. At isa pa, yung painting niya ay hindi pangit, weird lang ito pero hindi pangit," ang sagot ni Ryou. Habang nasa ganoong posisyon sila ay dumating ang assistant ni Ryou sa kanyang office, "The conference room is ready," ang wika nito. "Okay, susunod na ako," ang sagot ni Ryou, tumayo ito at inayos ang kanyang damit na suot. Tumingin siya kay Jihan at ngumiti, "mag usap tayo mamaya, see you around," dagdag nitp. Lumabas si Ryou sa opisina at naiwang mag-isa dito si Jihan na nakaupo sa malambot na sofa. Mainit ang kanyang ulo dahil ramdam niyang parang iniiwasan siya ni Ryou. Gustong gusto niya ang binata at gagawin niya ang lahat para silang dalawa ay magkatuluyan. Hindi siya papayag na mayroong ibang tao maka-agaw sa kanyang atensyon. Tahimik. Marahang tumayo si Jihan at muli itong lumakad sa harapan ng painting ni Yue. Maigi niyang tinitigan ang merman na nakaguhit dito. Napatingin din siya sa silver tail na nag g-glow kapag tinatamaan ito ng liwanag. "A silver tailed mermaid, very interesting," bulong niya, nagbitiw siya ng kakaibang ngiti. Meanwhile, sa loob ng conference room ay tinalakay nila Ryou at ng ilang businessman ang tungkol sa nasirang ship ng mga langis noong nakaraang buwan. Sumabog ang langis sa karagatan at maraming mga mangingisda ang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pagdumi ng tubig. At dahil din sa pangyayaring iyon ay nalagay sa malaking kontrobersiya at problema ang Aquarius Maritime Tankers. Hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa rin nila kung ano ang naging pangunahing problema sa barkong ginamit sa pagdadala ng mga tanke at cargo vessels. Ilang buwan ring natigil ang kanilang operasyon at ngayon pinag aaral nila kung maaari na ba ulit nilang ituloy ang pag import at pag export ng langis mula sa ibang bansa. Sa kabilang ng kontrobersiyang kinakaharap ay nanatiling matatag at kalmado si Ryou. Ang kanyang standing bilang isang mahusay at matagumpay na businessman ay stable na at hindi na kayang tibagin ng mga problema dumarating. "Ibinaba na ng department of environment and natural resources ang penalty sa atin. Siguro maaari na nating ituloy ang operasyon. Bilyon na ang naluluge sa atin!" ang wika ng isang share holder. Ang Department of Environment and Natural Resources ay isang ahensiya sa bansa na nangangalaga sa karagatan, kagubatan, kabundukan at kabilang na ang mga likas na yaman. Ang DENR din ang nag gawad ng penalty at nagpatigil ng opersyon ng Aquarius Maritime Tankers dahil sa pagkalat ng langis sa karagatan na pumatay ng maraming lamang dagat kabilang na ang pagkasira ng habitat ng mga mermaids. "Siguro ay maaari na nating iresume ang operation sa mga susunod na linggo. Ngunit ako mismo ang mag c-check ng mga kargo. ilang beses ko nang sinabing bawal ang overloading pero hindi sila nakikinig sa akin," ang sagot ni Ryou na hindi maitago ang galit. "Mag assigned tayo sa mga taong mag c-check ng mga kargo upang maiwasan ang aksidente, ayoko ng mailagay sa news paper ang Aquarius!" ang sagot ng isang business partner. Tuloy tuloy lang ang meeting nila Ryou sa conference room. Samantala, sa labas ng gusali ay nagkasalubong si Jihan at si Yue. Dala ni Yue ang isang basket na naglalaman ng mga pinatuyong pakpak ng flying fish at ngipin ng balyena. Matatandaan na ito ay request ni Ryou sa kanya noong huli silang magkita. Suot ni Yue ang isang simpleng damit at tsinelas na hindi magkapares. Habang lumalakad siya ay hinahangin ang kanyang malambot na buhok at kitang kita ang kanyang napakagwapong mukha. Ang mga nakakasalubong niya ay napapalingon dahil sa kanyang taglay na mala Diyos enerhiya. Ito ang mga bagay na hindi pinalagpas ni Jihan. Lumapit siya kay Yue at tinanong ito. "Hindi ba ikaw yung artist sa likod ng painting na binili ni Ryou?" tanong ni Jihan, napatingin siya kay Yue at dito ay muli na naman siyang nagtaka. "Bakit sobrang lambot naman ang kanyang buhok? Anong shampoo ba ang gamit niya? Model ba siya ng conditioner? Saka bakit sobrang ganda ng balat niya? Makinis ito at wala man lang dark spot, parang hindi siya naaarawan. Ano bang gamit niyang skin care? Sino kaya ang doctor na perform ng plastic surgery sa kanya?" ang tanong ni Jihan sa kanyang sarili. Sobrang confused na ito sa kanyang nakikita. Ngumiti sa kanya si Yue, "ako nga, nandyan ba si Ryou? Gusto ko lang sa kanyang ibigay itong special request niya." "Ang ganda rin pala ng ngipin niya at yung suot niyang damit at napaka simple pero napaka elegante. Sino bang stylist niya? Sinasadya ba talaga niyang magsuot ng slipper na hindi magkapares para siya mapansin ni Ryou? Sino ba itong lalaking na ito? Halos mag kasing height din kami 5’10! Argh! Isa siyang threat! Huwag ko lang malalaman na inaakit niya si Ryou dahil itutumba ko siya right here, right now!" ang bulong ni Jihan sa kanyang sarili. Ngumiti siya, "Wala si Ryou dito, nasa importanteng meeting siya. Wait, sinong doctor mo?" tanong niya kay Yue. "Anong doctor? Anong sinasabi mo?" tanong ni Yue na may halong pagtataka. "Yung pangalan ng doctor na nag iinject sa iyo ng whitening formula at yung nagretoke ng ilong mo?," ang tanong ni Jihan. "Ano bang sinasabi mo? Wala akong doctor at hindi naman ako nagpaparetoke ng katawan," sagot ni Yue. "Sinasabi mo ba sa akin na natural yang itsura mo?" taas kilay na tanong ni Jihan. "Oo naman, sa aming mga.. ang ibig kong sabihin ay hindi uso sa amin ang ganoong gawain," ang sagot ni Yue habang nakangiti. Gwapo talaga si Jihan ngunit matinding effort ang inexert niya para marating ang ganitong antas ng looks. Gumagastos siya ng malaki para lang mapanatiling maganda ang kanyang katawan at physical features. Lahat ng darkspot sa kanyang katawan ay talagang pinapaalis niya agad. Pati nga butas ng kanyang pwet ay maganda rin para kapag natikman ito ng kanyang boyfriend ay mahuhumaling agad sa kanya! Pero sa kabilang banda ay nakaka intimidate lamang na makita si Yue na walang effort sa katawan pero sobrang gwapo nito. Hindi na kailangan mag lagay ng foundation sa mukha dahil gwapo na siya kahit wala magic ng cosmetic products. Habang nasa ganoong silang posisyon ay siya namang pagdating ni Ryou. Nagtataka siya kung ano ang pinag uusapan ng dalawa kaya naman agad siyang lumapit dito. "Anong mayroon?" tanong niya. Ngumiti si Yue dahil kinawayan si Ryou, "dinala ko lang itong request mo." "Anong request?" tanong ni Ryou, at dito ay naalala niya yung biro niya kay Yue na magdala ng weird things katulad ng pakpak ng flying fish at ngipin ng balyena. Hindi niya akalain na seseryosohin ng weird na lalaking ito ang kanyang sinabi. Natawa si Ryou pero pinigil niya ang sarili, "gwapo pa naman ang lalaking ito, pero uto uto, madaling lokohin," ang bulong niya sa kanyang sarili. Kinuha niya ang basket at nagpasalamat dito. Natuwa si Yue dahil tila naappreciate ni Ryou ang kanyang ginagawa. Kailangan niyang mapalapit sa binata para maisagawa niya ang kanyang misyon. Ito ang pinakamahalaga sa lahat. Nag ngitian ang dalawa at para bang nagkaroon ng connection sa pagitan nial.Samantalang si Jihan naman ay nakaramdam ng pagkainis kaya naman agad niyang hinila ni Ryou palayo kay Yue. "Huwag ka ngang tumingin sa lalaking na iyan dahil kinukulam ka niya. Habang tinitingnan mo siya sa mata ay napapasailalim ka sa dark spell niya," ang naiinis na salita ni Jihan. "Ano bang sinasabi mo? By the way, salamat dito Yue," ang nakangiting wika ni Ryou. "Nagpasalamat na siya sa iyo kaya umalis ka na, your fairy tale moment is over! Wake up already, b***h!" ang sagot ni Jihan sabay hawak sa braso ni Ryou at inilayo niya ito kay Yue. Lumakad ang dalawa papasok sa gusali. Samantalang nanatili si Yue na nakatayo sa kanyang kinalalagyan. Kinuha niya ang isang plastic straw sa kanyang bulsa at inilagay niya sa loob nito ang isang needle sting mula sa bobo fish. Saka nilagay niya ito sa kanyang bibig ang straw. Huminga siya ng malalim at hinipan ang straw! Limipad ang maliit na sting patungo sa direksyon nila Ryou. "Papatayin kita, Ryou Guerrero!" ang bulong ni Yue sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD