Part 12: The Call
Lumipad ang needle sting sa direksyon nila Ryou at tumusok ito sa likuran ni Jihan.
"Ouucchhh!" ang sigaw ni Jihan. Hindi naman talaga masakit pero of course kailangan niyang maging overacting para mag alala si Ryou sa kanya ng sobra.
"Anong nangyari? Are you okay?" tanong ni Ryou noong mapayakap sa kanya si Jihan.
"Parang may kung anong bagay ang tumusok sa likuran ko, ang sakit nito at parang mamamatay na ako," ang sagot ni Jihan.
Tiningnan ni Ryou ang kanyang likuran at nakita niyang may mapulang pantal dito na parang kinagat lang ng langgam. "Siguro ay kinagat ka lang ng langgam sa likuran. “Iwasan mo kasing mag suot lang ng sando para hindi ka kinakagat ng insekto,” ang dagdag ni Ryou.
"Pero, mamamatay na ako, hindi ka man lang ba nag-aalala sa akin?" tanong ni Jihan.
"Ji, walang namamatay sa kagat ng langgam. Masyadong ka lang exagerrated," sagot ni Ryou.
Napatingin naman si Jihan kay Yue na noon ay nakatayo sa malayo at nakangiti, kumaway pa ito sa kanila. "Siguro ay kinukulam niya ako,"wika nito, sabay turo kay Yue.
Napakamot si Ryou ng ulo, "Tsk, tigilan mo na nga si Yue, weird lang siya pero hindi siya mangkukulam."
Dinala ni Ryou si Jihan sa loob ng kanyang opisina at pinagpahinga ito. Makalipas ang ilang minuto ay umepekto na ang poison sa sting ng bobo fish. Laking gulat ni Jihan noong magkaroon siya ng mga rashes at pantal sa buong katawan. Nagpanic ito at nagsisigaw sa sobrang takot.
Well, hindi naman talaga nakakamatay ang poison ng Bobo fish pero ang katawan ng tatamaan nito ay magkakaroon ng matinding pangangati. At ito ang nangyari kay Jihan.
Agad na dinala ang binata sa emergency room at dito ay binigyan siya ng treatment. Umiiyak ito at takot na takot bagamat hindi naman gaanon ka grabe nangyari sa kanya.
"How is he, doctor?" tanong ni Ryou
"He's fine, probably ay kinagat lamang siya ng insect at dulot ito ng allergic reaction sa kanyang katawan. Pero overall ay maayos naman siya at walang dapat ipag-alala. Ang ganitong kahinang poison ay kusang gumagaling sa loob ng two to three days. Kahit hindi ito gamutin ay it will automatically subside," paliwang ng doktor.
"Bakit kung umiyak at sumigaw si Jihan kanina ay parang grabe ang sitwasyon niya? Nagpanic ang lahat at ang akala ko ay nasa bingit na siya ng kamatayan?" tanong ni Ryou.
"May he's overreacting, I guess. Or maybe ang mga katulad niya ay hindi sanay sa allergy at hindi nila alam kung paano ito ihandle ng tama. Pero sa ngayon ay walang dapat na ipag-alala dahil si Jihan ay nasa good condition," tugon ng doktor habang nakangiti.
Bumalik si Ryou sa silid kung saan nagpapahinga si Jihan, wala pa rin itong kibo dahil sa matinding traumang naranasan niya. "Kumusta ang pakiramdam mo? Bakit ganyan ang itsura mo? Daig mo pa ang cancer patient?"
"Nanghihina ang katawan ko at pakiramdam ko ay hindi na rin ako magtatagal," ang bulong niya, halata ang matinding panghihina sa kanyang boses.
"Mas baliw pa pala ang isang ito kaysa kay Yue," bulong ni Ryou sa kanyang sarili. Hindi niya malaman kung matatawa ba siya o maawa kay Jihan. "C'mon, allergy lang yung sakit mo. Besides sabi ng doctor ay madali naman itong nawawala. Kahit hindi gamutin ay mag susubside ito in two or three days. You'll be okay."
"Hindi ako magiging okay dahil kinukulam ako ni Yue. Kanina habang natutulog ako ay napanaginipan ko siya. May hawak siyang boodoo doll at tinutusok niya ito ng karayom habang bumibigkas ng nakakakilabot na chant. Gusto na niya akong patayin dahil ayaw niyang maging masaya tayong dalawa," ang wika ni Jihan na hindi maitago ang takot.
Napabuntong hininga na lang si Ryou at napakamot ng ulo, "hindi mangkukulam si Yue, mabuting tao iyon at hindi gagawa ng ganoon bagay. Ano ba itong mga iniisip mo? Siguro mas mabuti kung magpahinga ka muna at irelax ang isipan mo. Baka maya maya ay mapagkamalan ka pang baliw ng mga nurse at ilipat ka sa mental hospital."
"At saan ka naman pupunta? Siguro pupuntahan mo siya?" tanong ni Jihan noong makitang palabas si Ryou ng silid.
"Babalik ako sa opisina dahil hindi pa tapos ang office hours. Hindi pa rin tapos ang meeting ko with investors," ang sagot ni Ryou.
"Sige umalis ka, huwag ko lang malalaman na nakikipagkita ka sa mangkukulam na iyon dahil magagalit talaga ako!" ang dagdag ni Jihan, pero hindi na sumagot pa si Ryou. Agad itong umalis at iniwanan siya sa loob ng kanyang silid.
Matindi ang pagiging exagerrated ni Jihan at dahil gustong gusto niya si Ryou at gusto niyang siya lang lalaking mapapansin nito. Noong makita ni Jihan si Yue ay parang nakaramdam siya na magiging kakompetensiya niya ito, mga bagay na hindi niya papayagang mangyari.
Samantala, pagbaglik ni Ryou sa kanyang opisina ay agad niyang binuksan ang basket na ibinigay ni Yue sa kanya. Dito ay natawa na lamang siya dahil may laman itong mga iba't ibang kulay na dried wings ng flying fish at ang mga ngipin ng balyena in different sized and shape. Mayroon din mga kabibeng may nakadikit na maliliit na perlas.
Noong mga sandaling iyon ay na-entertain ang bilyonaryo sa ginawa ni Yue. Hindi niya lubos akalain na gagawin nito ang kanyang biro noong nakaraang beses na magkakita sila.
Pero gayon pa man, bihira ang taong mag effort para sa kanya. At ginawa ito ni Yue kahit walang kapalit. Natagpuan na lamang ni Ryou ang kanyang sarili na nakangiti habang pinagmamasdan ang mga bagay na ibinigay sa kanyang ng binata.
Maya maya ay tinagawan niya ang kanyang assistanat inutusan ito, "tawagan mo ang numerong ito. Sabihin mo na gusto ko siyang makausap," ang wika niya sabay abot ng number ni Yue.
All of a sudden ay naging interesado si Ryou na kilalanin ang binata. Gusto niyang malaman kung saan ito nakatira, kung sino ang kanyang mga magulang at kung ano ang madalas pinagkakaabalahan. Batid niya na may "something" special kay Yue at gusto niya itong kilala ng mas mabuti.
He is weird pero hindi maipagkakaila na napaka gwapo nito. Effortless ang kagwapuhan na pati si Jihan ay halatang natatakot, siguro maaari niyang hanapan ito ng mas malaking opportunity upang mas maging maayos ang kanyang buhay.
Meanwhile, si Marine ang nakatanggap ng call at agad niyang ibinalita kay Yue na gusto siyang makita ni Ryou Guerrero.
"Tila ang lahat ay umaayon sa iyong kagustuhan, Yue," wika ni Marine habang nakangiti. Pero ang pag aalala ay mapapansin sa kanyan mga mata.
"Ang tanging paraan lamang upang maisagawa ko ng maayos ang misyon ay ang mapalapit kay Ryou. Pwede ko siyang patayin habang nagdadate kami o kaya ay natutulog siya," ang sagot ni Yue.
Natawa si Marine, "Yue, hindi biro ang pagpatay. Dito sa high ground ito ay isang seryosong krimen, ito ay isang mabigat na kasalanan at may katumbas din na mabigat na kaparusahan. Ang maipapayo ko lamang ay pag aralan mong mabuti ang iyong strategy at gawin ito ng malinis at flawless, walang bahid pagkakamali at walang bakas na magpapahamak sa iyo."
"Ako ang bahala tiya, huwag mo akong alalahanin. Umaasa ako na balang araw ay matatapos rin ang lahat ng ito," sagot ni Yue.
Niyakap siya ni Marine, "Hindi ko maiwasang mag-alala sa iyo lalo't ipinangko ko kay Seres na aalagaan kita. Sa ilang buwan na tayo ay magkasama ay itinuring na rin kitang parang isang tunay na anak.”
Tumingin siya sa mata ni Yue at muling nagsalita, "Gusto mo bang mabuhay ng payapa? Huwag mo na lamang gawin ang misyon, umalis tayo at magtago sa malayong lupain," ang mungkahi nito.
"Minsan ay naisip kong umalis na lang, magtungo sa malayong lugar. Doon sa lugar na hindi ako makikilala ng kahit na sino. Minsan ay sumasagi sa isipan kong talikuran ang misyon ko,” sagot ni Yue.
"Oh, bakit hindi mo ito gawin? Bakit kailangan mong gawin ang mga bagay na labag sa iyong kalooban?" tanong ni Marine.
"Dahil nangako ako na bibigyan ko ng hustisya ang mga kalahi natin na namatay dulot ng pagkalat ng lason sa karagatan. Nangako rin ako sa aking ina na si Seres na uuwing matagumpay. Wala akong lakas ng loob para sirain ang aking ipinangko sa kanila," paliwang ni Yue, gumuhit ang lungkot sa kanyang magandang mukha.
"Nauunawaan ko, huwag kang mag-alala dahil kung ano man ang iyong desisyon ay susuportahan ko ito," sagot ni Marine sabay halos sa buhok ng binata.
Noong mga oras na iyon ay pinaghandaan ni Yue ang pakikipag kita kay Ryou Guerrero. Determinado siyang tuparin ang kanyang misyon kaya't ito na ang tamang oras para isagawa ito.
Kinuha ni Yue ang nakakalasong sea weeds sa kanyang kagamitan at tinitigan ito ng maigi. "Ito ang gagamitin ko para patayin si Ryou Guerrero," bulong niya sa kanyang sarili.
Samantala sa opisina si Ryou, hawak pa rin niya ang kinulayang pakpak ng Flying Fish na ibinigay ni Yue at hindi niya mapigilang tumawa ng malakas. "Espesyal talaga ang gagong ito. Gusto ko siyang makilala ng mas mabuti. Alam kong may something sa kanya na wala ang ibang tao. At ito ang gusto kong alamin," ang bulong niya sa kanyang sarili habang nakangiti.
Noong mga sandaling iyon ay pareho nilang iniisip ang isa't isa..