Part 13: First Date
Pinaunlakan ni Yue ang invitation ni Ryou. Noong mga sandaling iyon ay buo ang loob ng binata na isagawa ang kanyang misyon. Ang mapalapit kay Ryou ay isang malaking chance upang magtagumpay.
Pagpasok pa lang niya sa lobby ng gusali ay agad na siyang hinarang ng mga tauhan ni Ryou. "Ikaw ba si Yue?"
"Ako nga, sino kayo?" ang nag-aalangang tanong binata.
"Halika, sumama ka sa amin!" ang sagot nila at hinawakan nila si Yue sa braso. Pinilit nila itong sumama sa kanila.
"Wait, tulong! Wala naman akong ginagawang masama! Bitiwan niyo ako!" ang sigaw niya. Noong mga sandaling iyon ay tatlong bagay lamang ang tumatakbo sa isipan niya.
Una, nalaman na ni Ryou ang tungkol sa kanyang misyon at ngayon ay paparusahan siya nito, or mas worst ay baka ipa-patay pa siya.
Ikalawa, nalaman ni Jihan na siya ang nagbigay ng poison sting at gaganti sa kanya ang siraulong lalaking iyon.
Ikatlo, nalaman na nila na siya ay isang merman at ngayon ay pag eeksperimentuhan ang kanyang buntot, kukunin ang kanyang kaliskis at ibebenta sa malaking halaga.
Natakot si Yue.
Nagpumiglas si Yue, he tried to escape pero sadyang maraming tauhan si Ryou kaya wala siyang lakas para labanan ang lahat ng ito. Dinala si Yue sa isang kakaibang silid may malalaking salamin at dito ay sinalubong siya ng isang lalaki.
"Good day, Sir Yue," ang bati ng lalaki.
"Sino ba kayo? Wala naman akong ginagawang masama," ang pag iyak ng binata, takot na takot ito.
Ang lalaki ay nagpapakilala si Kurt, lumakad siya harapan ni Yue at hinawakan ang kanyang ulo. Tiningnan ni Kurt ang bawat anggulo ng kanyang mukha.
Ngumiti si Kurt, “Don't be afraid dear, mabilis lamang ito at sa unang tingin ko sa iyo ay alam ko na ang dapat kong gawin," ang wika nito at may kinuha siya sa kanyang bulsa.
Napasigaw si Yue sa takot..
Nilibas ni Kurt ang isang suklay at hair dry blower. "Hey, huwag ka nga masyadong exaggerated, hindi kita papatayin. Aayusan lang kita at pagagwapuhin, iyan ang bilin sa amin ni Sir Ryou Guerrero," ang pagpigil nito sa naghihisterical na si Yue.
Napatingin si Yue sa kanya at tila nahimasmasan ito. "Talaga? Hindi mo ako sasaktan?"
"Of course! Mukha ba akong mamamatay tao? Isa akong stylist at make up artist. Trust me darling, mamaya ay hindi mo na makikilala ang sarili mo dahil papa gwapuhin kita ng todo!" ang excited na wika ni Kurt.
Pinaupo niya si Yue sa bangkuan, sa harap ng isang malaking salamin at simulan siyang i-make over ang binata. Humanga si Kurt sa kagwapuhan ni Yue, simple lamang ang dating nito pero elegante at mala Diyos ng Olympus ang awrahan. Mabait din ang binata at hindi ito masungit katulad ni Jihan na maraming demand at kaartehan sa katawan.
Ang lahat ng assistant sa make up room ay napapatingin at humahanga kay Yue. Ang kagwapuhan niya "extraordinary" dahil kahit light make up lang ang ginawa sa kanyang mukha ay para itong artista at super star sa telebisyon.
That moment ay inihanda si Yue sa kanilang special date ni Ryou. Pati ang damit na isusuot niya ay maiging pinag aralan ng buong glam team. Sinigurado nila na magugustuhan ni Ryou ang transformation ng binata.
Tanghali na noong matapos ang meeting ni Ryou sa mga investors ay nagpasya na siyang magtungo sa venue kung saan sila magkikita ni Yue. Excited siyang makita ang binata lalo't kumuha pa siya ng mahuhusay na glam team para asikasuhin ito at ng hindi mag mukha wirdo sa paningin ng iba.
Ang venue ay isang private na restaurant at maraming mga high class person na bumibisita dito. Ayaw niyang mag mukhang katawa tawa si Yue lalo't may sarili itong fashion statement na siya lamang ang nakakaunawa.
Nauna siyang dumating at naghinintay sa venue. Habang naghihintay ay nilapitan pa siya ng ilang mga kaibigan at college batchmate para batiin, "Long time bro, sinong kasama mo? jowa mo ba?" tanong nila.
Hindi makasagot ng tuwid si Ryou, "isang kakilala lamang. Isang espesyal na taong nais kong makilala."
"Hmmm, bihirang magkainteres ang isang Ryou Guerrero sa isang tao. Tell us, isa ba itong celebrity or a model? Or isang successful entrepreneur kaya?"
Natawa si Ryou. "Believe me, isa lamang siyang normal at simpleng tao. Ang tanging bagay lang na special sa kanya ay ang kanyang pagiging artistic. Isa siyang mahusay na pintor."
Habang nasa ganoong posisyon sila ay bumukas ang pintuan ng private restaurant at dito ay napumasok si Yue. Sa unang pagtapak pa lamang niya sa loob ng venue ay napatingin ang lahat sa kanya at napahinto sa pagkilos ang mga ito. Ilang segundo ring na stunned ang mga tao.
Pati si Ryou ay natulala, hindi siya makapaniwala na napakagwapo ni Yue kapag naayusan at nadamitan ng tama. Ang kanyang kagwapuhan ay higit pa isang modelo o sa isang sikat na celebrity sa bansa.
Agad na tumayo si Ryou, proud na proud ang binata na salubungin ang kanyang espesyal na bisita..
Samantalang lumakad naman si Yue patungo kay Ryou. Nakangiti ito habang humahakbang suot ang kulay asul na tuxedo. Daig pa niya ang isang gwapong artista sa telebisyon, gwapo si Ryou Guerrero pero sa pagkakataong ito ay nilamon ni Yue ang kanyang kagwapuhan. Iba pala talaga ang itsura ni Yue kapag nadamitan ng maayos.
"f**k, iyon ang date ni Ryou? Saan kaya nakilala ni Ryou iyan? Nakakainggit naman talaga iyang si Ryou. Bakit ba napaka swerte niya sa lahat ng bagay?' ang sabi ng kanyang mga mga college batchmate. Wala silang panghuhusga dahil natural na lamang sa kanila ang same s*x relationship at tanggap ito ng lipunan.
Noong makalapit si Ryou kay Yue ay agad niyang hinawakan ang kamay nito. And that moment na hinawakan ni Ryou ang kanyang kamay ay biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso. Nakaramdam siya ng kakaiaba na hindi niya lubos maunawaan.
Napahinto si Yue at napatingin sa kanyang kamay hawak ito ni Ryou.
"Are you okay?" tanong ng binata sa kanya.
Ngumiti si Yue at napatingin siya sa orasan. Mayroon pa siyang sapat na oras bago mag sunset. Magiging maayos ang lahat at hindi niya kailangan apurahin ang kanyang sarili. May oras pa siya para maisagawa ang kanyang misyon. “Okay lang ako,” nakangiti niyang sagot kay Ryou.
Noong mga sandaling, ang kagwapuhan ni Yue ang naging center of attraction sa loob ng private na restaurant. Wala siyang ideya sa taglay niyang kagwapuhan noong mga sandaling iyon. Kahit si Ryou ay hindi makapaniwala na ang weirdong lalaki sa art gallery at ang gwapong lalaking ito na kanyang kasama ay iisa lamang.
Pinaupo ni Ryou si Yue, kitang kita ang pagiging gentleman ng binata. Dito ay sinimulan nila ang kanilang private talk or kilalanin ang bawat isa.
"Bakit sila nakatingin sa akin? May mali ba?" nahihiyang bulong ni Yue.
Natawa si Ryou, "Walang mali. Sadyang lahat sila ay na ggwapuhan sa iyo. Wala ka bang idea kung gaano ka ka-good looking ngayon?"
Umiling si Yue at napangiti na lamang. Nararamdaman pa rin niya ang kaba at hindi niya maiexplain ang pakiramdam habang nakaharap sa gwapong bilyonaryo.
Samantala, same feeling din ang nararamdaman ni Ryou dahil parang nagsisimula na siyang ma-attract kay Yue na hindi niya alam kung saan nagmula.
Para sa kanya, si Yue ay parang isang ligaw na bulaklak na tumubo na lamang sa kanyang bakuran. At dahil sa magandang ang bulaklak nito ay agad niyang napansin at hinangaan.
"Wala akong idea," ang simple niyang sagot.
Ngumiti si Ryou at tumingin ng tuwid sa kanyang mga mata. "Listen, you’re handsome, more than you'll ever know. Hindi ako makapaniwala na ikaw yung wirdong lalaki doon sa gallery.”
TWO HOURS EARLIER
Matapos ang make over ni Yue sa glam team..
Ito ang unang beses na nakita ng binata ang kanyang maayos na looks sa salamin. Suot niya ang isang kulay asul tuxedo na hapit na hapit sa kanyang katawan. Para siyang isang artista sa telebisyon noong mga sandaling iyon.
Paglabas ni Yue sa dressing room ay nagulat lahat, namangha sila dahil sa hindi mapapatayang kagwapuhan ng binata.
Para itong isang anghel na nakalutang sa hangin. Kumikinang ang kanyang paligid at nag iiwan ng amazement sa lahat ng nakakakita.
Ito rin ang unang pagkakataon na umiyak ang make up artist na si Kurt noong makita niya si Yue, "napakaganda ng aking creation. Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagluha. He's hundred times more elegant and gorgeous than Jihan," ang emotional na salita nito.
"Shhh, wag kang maingay, baka marinig tayo ni Sir Jihan at sampalin na naman niya tayo sa mukha ng isa isa," ang sagot ng isa.
"Well, kung ako ang pamimiliin ay mas gusto ko si Yue para kay Ryou. Humble siya at napakabait pa. Hindi katulad ni Jihan na bwiset at walang paggalang sa ating mga make up artist," ang sagot ni Kurt.
Bago umalis at magtungo sa venue ng kanilang date ni Ryou ay humarap si Yue sa buong glam team.
Iniyuko niya ang kanyang sarili at nagpasalamat sa bawat isa. Ito ang pagkakaiba nila ni Jihan, si Yue ay humble at napakagalang.
Ito ang bagay na parating nakaukit sa puso ni Yue. Ito ang tanging aral na itinuro sa kaniya ng kanyang tunay na ina simula noong siya ay bata pa.
At hanggang ngayon ay naalala pa rin niya ito.
"Kindness means everything."