Part 14: Extraordinary
"Gaano ka na katagal na pipinta? Paano ka nag comes up sa idea ng merman na may silver tail?" unang tanong ni Ryou sa kanya.
"Nagsimula ako noong nakaraang buwan lang. Tungkol sa idea, siguro ay fascinated lang ako sa mga mermaid na mayroong silver tail. Sa tingin ko ay unique sila at extraordinaryo," sagot ni Yuelo.
"Few months ago? Talaga pa lang gifted ka. Yung ibang artist ay ilang taon ding nag p-practice para maging mahusay at maibenta ang kanilang works. Naniniwala ka pala sa mga mermaid? Nakakita ka na ba ng isa?" tanong ni Ryou.
"Kapag sinabi kong naniniwala ako ay tiyak na pagtatawanan mo lang ako," sagot ni Yuelo, napanguso ito na parang bata, ang cute niya sa ganoong ekspresyon.
"Why should I do that? Hindi ko ginagawang katatawanan ang paniniwala ng iba. What if I told you na nakakita na ako ng mermaid?" tanong ni Ryou sa kanya.
"Talaga? Saan naman?" tanong ni Yuelo.
"In your painting, a mysterious silver tailaid merman," sagot ni Ryou, nakangiti lang ang binata.
"Sabi sa mga alamat, ang mga silver tailed mermaid ay nagdadala ng kamalasan sa sinumang makaka kita sa kanya. Kaya iwasan mong maka kita ng isa," ang sagot ni Yuelo
Natawa si Ryou, "and you actually believe in that? You know, ang mga katulad kong businessman ay hindi naniniwala sa misfortune dahil tayo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. Ang pag unlad ng tao ay dahil sa kanyang husay, dedikasyon at pagpupunyagi. On the other hand, ang pagbagsak naman niya ay nakadepende sa kanyang desisyon sa buhay. Ang mga masasamang pangyayari sa buhay ko ay hindi ko kailanman inisip na misfortune. Para sa akin ito ay lesson na ituturo sayo ng tadhana para sa susunod ay hindi ka na muling magkakamali," ang seryosong sagot ni Ryou.
Noong mga sandaling iyon ay may kakaibang naramdaman si Yuelo habang nakatitig sa mata ng binata. Para bang lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso. At tila nakakalimutan na niya ang totoong misyon niya. "Isa kang taong punong puno ng emosyon," ang tanging nasabi ni Yue sa kanya.
Tumagal ng ilang minuto ang pag-uusap ng dalawa. Narealize ni Ryou na maayos naman pa lang kausap si Yuelo at hindi ito kasing weird katulad ng unang impresyon niya.
Iyon nga lang ay napansin niyang hindi kumakain ang binata, madalas din itong palinga linga sa kanyang paligid na parang hindi komportable sa kanyang kinalalagyan.
"Are you okay? Hindi mo ba gusto yung pagkain? Gusto mong umorder ako ng iba?" nag-aalalang tanong ni Ryou.
Umiling si Yuelo, "sorry, hindi lamang ako sanay sa ganitong lugar," ang nahihiyang wika nito.
"Gusto mo bang lumipat tayo ng place?" tanong ni Ryou.
Ngumiti si Yue at sumang-ayon. "Pwede bang ako ang mamili ng lugar?"
Wala nagawa si Ryou kundi ang sumang -ayon, "Sure."
At iyon ang set up, agad na lumipat sila Ryou at Yuelo ng lugar. Sumakay sila sa sasakyan at si Ryou pa ang nagdrive nito. Paminsan minsan ay natatawa na lamang ang binata dahil parang batang nakatingin si Yuelo sa labas ng bintana ng sasakyan at sinusundan ng tingin ang lahat ng kanilang madaanan. “Ey, hindi ka ba nahihilo? Ako ang nahihilo sa iyo e,” ang biro nito.
Umiling lang si Yue at saka ngumiti bilang tugon.
Makalipas ang ilang sandali ay huminto ang sasakyan sa isang bagong bukas na amusement park sa tabi ng sea wall. Ito ang napiling lugar ni Yuelo para ituloy ang kanilang date.
Nagtataka si Ryou dahil hindi niya ineexpect na sa ganitong lugar sila pupunta ngunit pinagbigyan na lamang niya ang kagustuhan ng binata. "Bakit dito mo ako dinala?" tanong ni Ryou sa kanya. Habang lumalakad sila ay nakasunod ang nasa mahigit sampung body guard ni Ryou. Lahat ay nakasuot ng black suit and tie na parang cast ng Men In Black.
"Mas masaya dito, mas makulay at hindi nakakaboring. Halika kumain tayo doon!" ang excited na wika ni Yuelo sabay hila sa kanya sa bilihan ng mga street foods.
Ito lang talaga ang paboritong kainin ni Yue simula noong umahon siya dito sa high ground. Gustong gusto niya ang fried tofu na may sweet chili sauce. Kumuha siya ng madami at naupo sila ni Ryou sa sea wall para kumain.
Nakaharap sila sa karagatan habang umiihip ang malamig na hangin. Dito narealize ni Ryou na simpleng tao lamang talaga si Yuelo at hindi ito mahilig sa mga mamahaling bagay.
Simpleng bagay ay masaya na siya, hindi katulad ng ibang taong nakadate niya na maraming demand.
Love song is playing..
Standin' by my window
Listening for your call
Seems I really miss you after all
Time won't let me keep
These sad thoughts to myself
I'd just like to let you know
I wish I didn't let you go
And I'll always love you
Deep inside this heart of mine
I do love you
And I'll always need you
And if you ever change your mind
I'll stil I will love you
Kumain si Ryou habang nakatanaw sa karagatan. Dito ay naalala niya ang kanyang dating buhay, noong siya ay hindi pa mayaman.
"Alam mo ba na paborito ko itong kainin noon? Noong mga panahon na wala akong pera at hindi ko alam kung saan pupunta. Kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na balang araw ay yayaman ako at kakainin ko ang lahat ng pagkaing hindi ko pa natitikman sa buong buhay ko," ang salaysay ni Ryou.
Nakikinig lang si Yue sa kanya, maya maya marahang kumilos ang kamay nito at marahang pinunasan ang labi ni Ryou na may grasa ng pagkain, gamit ang kanyang panyo.
Napahinto si Ryou sa pagsasalita at nagulat sa ginawa ng binata pero natuwa siya sa gesture nito. Unang beses na may nagpunas sa kanyang labi. Back then, ang kanyang namayapang ina lamang ang gumagawa nito sa kanya.
Noong mga sandaling iyon ay tila na touched si Yuelo habang nakatingin sa mga mata ni Ryou. Dito niya napag-alaman na pareho na pala silang ulila sa magulang at ito ang parehong nakakalungkot na pagkakatulad nilang dalawa.
Marahang kinuha ni Yuelo ang maliit na bote ng poisonous seaweeds sa kanyang bulsa pero naisip niya na itago na lamang ito dahil nawala na siya ng gana na isagawa ang misyon. Siguro ay patatawarin at pagbibigyan niya muna si Ryou ngayon araw dahil pareho naman silang naging masaya.
"At noong mawala ang mga magulang ko ay ipinangako ko sa aking sarili na balang araw ay yayaman ako at magiging makapangyarihan. Para kapag dumating ang oras na magkita kita ulit kami sa kabilang buhay ay mayroon akong maipagmamalaki sa kanila,” ang dagdag na kwento ni Ryou.
Nangiti si Yuelo, "ako kaya? Anong maipagmamalaki ko sa mga magulang ko kapag nakita ko sila sa kabilang buhay?" tanong niya.
"Ulila ka na rin?" tanong ni Ryou.
Ngumiti si Yue at tumango, "ang nanay ko ay namatay noong ako ay bata pa lamang. Ang tatay ko naman ay umalis at hindi na bumalik. Hindi ko alam kung nasaan na siya, pero hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ako. Isang walang katapusang paghahanap."
"I'm sorry," bulong ni Ryou, lalo siyang nakaramdam ng awa sa binata.
Ngumiti si Yuelo, "Ayos lang. Ang dahilan kung bakit nahihirapan ang mga tao na maging masaya ay dahil palagi nilang nakikita ang nakaraan na mas maganda kaysa sa kasalukuyan.”
Tumango si Ryou, "Sang ayon ako, minsan ay kailangan nating iwanan ang nakaraan at mag focus sa kung anong pwedeng ioffer ng future. I think this is the reason kaya ang ating mata ay nakalagay sa harapan upang ang hinaharap lamang ang ating makikita," dagdag pa niya.
Tumagal ng ilang oras ang pag uusap nina Yuelo at Ryou, kahit paano ay nakilala nila ang isa't isa.
Si Ryou ay isang malakas na tao, pero mayroon siyang past na pilit tinatakasan. Minsan ay nangungulila ito sa pagmamahal ng kanyang mga magulang na sabay namatay dahil sa ambush.
Samantalang si Yuelo naman ay nangungulila sa pagmamahal ng kanyang nawawalang ama. Umaasa pa rin ang binata na balang araw ay magkakasama silang dalawa.
Maya maya ay tumayo si Ryou at inayos ang kanyang suot na tuxedong itim at pinalapit ang isa niyang body guard. Kinuha niya ang isang cheque book at sinulatan niya ito.
"I have to go, kailangan ko pang bumalik sa opisina dahil mayroon pa akong naiwang trabaho. Salamat sa oras mo, Yuelo," nakangiting salita ni Ryou, iniabot niya kay Yuelo ang isang cheque na naglalaman ng malaking halaga.
"Ano ito?" tanong ng binata noong abutin ang piraso ng papel na ibinigay ni Ryou.
"Token of appreciation, take it at bumili ka ng magagandang damit at mga sapatos na branded, bagay sa iyo kapag nadadamitan ka ng maayos," ang nakangiting wika ni Ryou.
Tumalikod siya at iniwanan si Yuelo na nakatayo sa sea wall. Bago sumakay ng sasakyan ang binata ay napatingin pa siya kay Yuelo na noon ay hawak ang papel ng cheque at maigi itong pinagmamasdan.
Maya maya ay nagulat siya binitiwan ni Yuelo ang piraso ng papel at nilipad ito ng hangin patungo sa karagatan.
Napakunot noo si Ryou..
“Tangina, baliw ba itong lalaking ito? Malaking halaga na iyon ah?” naiinis na bulong nito.
Bumaba siya ng kanyang sasakyan at bumalik sa kinalalagyan ni Yue.
"Bakit mo ginawa iyon? Bakit mo itinapon? Nakukulangan ka pa ba? Alam mo ba na sa halaga noon, kahit magbenta ka ng sampung painting ay hindi sapat?" tanong niya sa binata.
"Hindi ko naman kailangan ng pera mo. May mga bagay sa mundo na hindi kayang bilhin ng pera katulad ng kaligayahan o ng pagmamahal kaya? Para sa akin, yung mga ala-ala na kasama kita ngayong araw ay matutumbasan ng kahit anong halaga. Bakit ba ganyan ang pag iisip mo? Gwapo ka, matagumpay at mahusay sa lahat ng bagay pero makitid pala ang utak mo! Akala mo ba lahat ng bagay sa mundo ay mabibili mo?"
"Ganyan naman kayong mga normal na tao diba? Pera lang naman ang kailangan niyo sa akin kaya niyo ako pinapakisamahan ng maayos!" ang sagot ni Ryou.
Kanina ay sweet na parang magkasintahan ang dalawa. Ngayon ngayon naman ay para silang aso't pusang nagtatalo. Pero gayon pa man ay natutuwa ang mga tao sa kanilang paligid dahil sila ay "cute" couple.
"Hindi ko kailangan ng pera mo! Hindi lahat ng tao ay nasisilaw sa mga bagay na mayroon ka! Diyan ka na nga! Napaka walang kwentang lalaki!" ang wika pa ni Yuelo sabay lakad palayo kay Ryou.
Si Ryou naman ay nagblush at natahimik ito.
Tila nabusalan ng kung ano ang kanyang bibig.
"Ganyan pala yung ugali ni Ryou Guerrero, ano kayang balak niya? Ang sama naman niya para insultuhin yung boy friend niya." ang bulungan ng mga tao sa paligid.
"Gwapo nga, hindi naman pala gentle man," ang dagdag pa nila.
Humarap si Ryou sa kanila. "Tumigil nga kayo dyan. Hindi ko siya boy friend!”
Binabayaran ko lang siya dahil sinamahan niya ako ngayong araw," pagdedepensa niya sa kanyang sarili.
"Grabe, si Ryou Guerrero ay nagbabayad ng escort service?" ito ang sagot ng mga tao sa paligid at mas lalo pa siyang pinagbulungan.
Napakamot na lang siya ng ulo dahil pagkahiya..