Part 15: Sign

1568 Words
Part 15: Sign "Kumusta ang date mo with Ryou Guerrero?" tanong ni Marine, noong makita niya si Yuelo nakaupo sa tabing dagat at nakatanaw sa malayo. Batid niyang malalim ang inisip ng binata. Tumingin sa kanya ni Yuelo at nagbigay ito ng simpleng ngiti. "Anong iniisip mo?" tanong ni Marine sa kanya, umupo rin siya sa tabi ni Yuelo at pareho nilang pinagmasdan ang asul na karagatan. "Hindi ko maunawaan kung ano yung nararamdaman ko. Nakakaramdam ako ng nakakatawang pakiramdam, parang tumitibok ng mabilis ang puso ko kapag naiisip ko si Ryou," ang sagot ni Yuelo. "Ohhh," ang reaksyon ni Marine noong marinig ang sagot ng binata. "Siguro ay na eexcite lang akong patayin siya, kaya ko nararamdaman ang ganitong pakiramdam," ang dagdag pa ni Yuelo. Natawa si Marine, "masaya ka ba kapag naiisip mo siya? Pakiramdam mo ba ay parang mayroong paru-paro sa inyong tiyan? Gusto mo ba ulit siyang makita? Lagi mo bang naalala yung moment na kayo ay magkasama? May naramdaman ka bang something noong hawakan niya ang iyong kamay?" "Oo, lahat ng iyan ay nararamdaman ko. Napagtataka talaga," tugon ni Yue. Ngumiti si Marine, "Iyan ang sign na ikaw ay in love. At hindi mo maaaring ideny ang nararamdaman mo." "In love? Posible ba iyon? Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito," ang sagot ni Yue. "Nasa wastong edad ka na para mainlove, ito ang mga bagay hindi mo maaaring iwasan. Ang lahat ng nilalang dito sa mundo ay may kakayahang magmahal, kahit na ang pinakamaliit na bagay pa. Ang pagmamahal ang pinaka makapangyarihang bagay sa buong mundo dahil may kakayahan ito baguhin ang paniniwala ng isang tao." "Maiiwasan ko ba ang pagmamahal? Kung iibig ako kay Ryou Guerrero, paano ang misyon ko?" tanong ni Yuelo na may halong pag-alala. "Hindi mo maiiwasan ang pagmamahal dahil ang pag-ibig ang pinakamagandang sumpa sa buong mundo. Kusang titibok ang puso mo para sa isang tao and at hindi mo matatakasan ang mahikang dala nito. Ngayon, kung sakaling mainlove ka kay Ryou, you have to chose between love and your mission. Iyan ang mga bagay na magpapakomplikado ng buhay mo," ang paliwanag ni Marine. Napayuko si Yue at lalong bumakas ang pag alala sa kanyang mukha, “Kung mangyayari iyon ay tiyak na mahihirapan ako. Ang pamimili pa naman ang pinaka komplikadong bagay na ayokong gawin!” "Kung ayaw mong mamili I think It's time na ipaubaya mo sa kapalaran ang lahat ng bagay. Mangyari ang dapat mangayri at hayaan mong dalhin ka ng agos sa lugar na dapat mong kalagyan," sagot ni Marine. "Sabi nila ang pagmamahal ay magdadala lamang ng kahinaan," sagot ni Yue "Sa kabilang banda, nagdadala rin ito ng kalasakan sa atin," sagot din ni Marine. Hindi sigurado si Yue kung ano ba talaga ang nararamdaman niya. Ngunit hindi maalis si Ryou sa kanyang isipan. May pagkakataon pa na papanaginipan niya ang binata habang nakangiti ito at hinahawakan ng kanyang kamay. Masaya siya habang nasa loob ng kanyang panaginip, ngunit sa oras na gumising siya ay ibayong kalungkutan ang kanyang nararamdaman dahil wala na si Ryou sa kanyang tabi at ang lahat ay babalik na naman sa reyalidad. Samantala, alam naman ni Marine na si Yuelo ay nagkakaroon ng interest kay Ryou Guerrero. Una pa lamang ay alam niyang mangyayari ito dahil nasa edad siya ng kapusukan ng damdamin. At alam din ni Marine na magiging complicated ang misyon ni Yuelo lalo't darating ang oras na maglalaban ang kanyang puso at ang kanyang isipan. At kahit ano pa ang sundin niya dito ay tiyak na magdudulot ito ng kaguluhan. Samantala, si Ryou ay nakahiga lang sa sofa sa loob ng kanyang office. Para itong lasing na kumakanta at humihimig ng musika. Kapansin pansin ang pagiging masayahin ni Ryou noong mga oras na iyon. Kaya't maraming nagtataka lalo't hindi naman siya ganito dati. Most of the time, he is serious at hindi makikitang nakangiti. That moment ay iniisip niya si Yuelo at kung paano nito tinanggihan ang perang ibinibigay niya. Somehow ay napagtanto niyang tama rin ang binata sa sinabi nitong "may mga bagay sa mundo na hindi kanyang bilhin ng kanyang pera, katulad ng pagmamahal at kaligayahan." Napapangiti rin siya kapag naalala niya ang sweet gesture ni Yuelo, kung paano punasan ng binata ang kanyang dumi sa labi. At kung paano ito makinig sa tuwing siya ay nagsasalita. He is also sincere, lahat ng kanyang sagot ay nangagaling sa kanyang puso. At first ay aminado siyang weird ang tingin kay Yuelo, ngunit habang tumatagal ay unti unti siyang humahanga at nagkakaroon ng interest sa binata. Bukod doon ay nakatanggap din siya ng mga messages sa kanyang mga college batchmate, lahat ay inaadmire ang kagwapuhan ni Yuelo. At ang ilan sa kanila ay umamin na naiinggit kay Ryou dahil sa sobrang perfect ng kapareha nito. Of course, buong yabang naman na nagmalaki ang binata, tiyak na sikat na naman siya sa kanyang mga kaibigan. Hanggang ngayon ay binabalik balikan pa rin ni Ryou ang bawat eksena sa date nila ni Yuelo. At least ay nakilala niya ng mas mabuti ang binata. At kagaya ni Yuelo ay tila nakakaramdam din siya ng matinding saya kapag naalala niya ang mga bagay na iyon. Maaari kayang mutual ang feelings nila sa isa't isa? Halos good mood si Ryou buong maghapon, para siyang lumulutang sa ulap ng kaligayahan. Nag iisip ng mabuti kung paano ulit sila magkikita ni Yuelo lalo't nagalit ito sa kanya. Kahit paano ay naisip rin niya ang kanyang pagkakamali. Habang naka upo siya sa kanya opisina at nag iisip ay dumating naman si Jihan. Sa pintuan pa lang ay mahahalata na agad na hindi maganda ng mood nito. Tiyak na positive vibes sa buong silid ay mapapalitan ng negatibo dahil sa pag arrive ni Jihan. "What's wrong? May kaaway ka ba?" tanong ni Ryou sa kanya. "Narinig ko ang balita na nagdate kayo ng pokpok na iyon. Paano mo nagawa sa akin ito?" tanong ni Jihan, hindi niya maitago ang galit. "At saan mo naman nabalitaan iyan?" tanong ni Ryou sa kanya. Natahimik si Jihan at nagbalik sa kanyang ala-ala yung pangyayari kanina noong malaman niya tungkol sa pag m-meet nina Ryou at Yuelo. Matindi ang galit niya kanina at halos hindi niya nacontrol ang kanyang sarili. FLASH BACK Narinig ni Jihan ang balita sa kanyang mga maid. Habang abala siya sa pagsusukat ng mga damit na binili niya sa ibang bansa. "Maganda ba ito? Ano sa palagay niyo ang magandang isuot sa party? Yung brown tuxedo ba o yung blue?" tanong ni Jihan sa kanyang mga maids habang nakaharap ito sa salamim at pinagmamasdan ang sarili. "Hmmm, mas elegante tingnan yung blue tuxedo. Yung ka date ni Sir Ryou last day ay nakasuot rin ng blue tuxedo at napaka gwapo niya," ang sagot ng maid habang nakangiti. Pero noong masabi iyon ng maid bigla itong nagtakip bibig. Makalipas ang ilang segundo ay tila nagsisisi ito na nasabi ang ganoong bagay. Suddenly, nagbago ang expression ng mukha ni Jihan. Nagtaka naman si Jihan sa kanyang narinig at napahinto ito sa pag susukat ng damit, "what did you say?" tanong nito. "Wala po sir," ang natatakot na sagot ng maid. Narealize nito na hindi niya dapat nasabi ang ganoong bagay dahil tiyak na magagalit si Jihan, pero ngayon ay huli na. Bumakas sa mukha ni Jihan ang galit, "ulitin mo nga yung sinabi mo!" Natakot ang maid, "Si Sir Ryou po ay may ka date noong isang araw. Yung lalaki po ay nakasuot din ng blue tuxedo.” "At saan mo naman nalaman?" tanong ni Jihan. "Nakita po namin sa social media, may nag upload ng 30 seconds video clip doon," natatakot na sagot ng maid, halos nauutal na ito sa pagsasalita. Wala silang choice kundi ipakita ang video clip. Nagulat si Jihan dahil ang lalaki ay walang iba kundi si Yuelo at magkahawak kamay pa sila habang lumalakad sa lobby ng isang private restaurant! Nakaramdam ng matinding galit si Jihan. "Bakit hindi niyo agad sinabi sa akin? Napaka tatanga niyo naman! Mga bobo! Mga walang silbi!" ang sigaw niya. "Ayaw nga po naming sabihin sa iyo dahil tiyak na magagalit ka," nag aalangan sagot maid. Halos mamutla sila dahil alam nila na grabeng magalit si Jihan at hindi nito nacocontrol ang kanyang sarili. Hindi nagustuhan ni Jihan ang balita at lalong hindi niya nagustuhan na may ibang lalaking umaaligid at lumalapit sa lalaking kanyang nagugustuhan! "Oo! Talagang magagalit ako! Hindi pwede to! Hindi ako papayag!!" ang sigaw ni Jihan at nagsimula na siyang mag hysterical. Nakaramdam siya ng matinding galit kay Ryou at Yue.. “Mga gago kayo! Siguro nagkantutan silang dalawa!! Putang ina talaga!!” ang nagwawalang sigaw ni Jihan sa kanyang sarili! Nagwala siya at isa isang tinapon ang mga gamit sa kanyang paligid. Nagawa rin niyang basagin ang mga flower base sa kanyang silid. At dahil sa matinding galit ay nagawa rin niyang sampalin sa mukha ang mga maid niya pumipigil sa kanyang pagwawala. "Mga wala kayong kwenta! Mga stupido!! Fuckkk!! Mga pakshet!!!” Ang kaninang magandang mood ng binata ay napalitan ng galit dahil sa kanyang nalaman. At dahil dito ay mas lalo pang umusbong ang galit niya kay Yuelo. At noong mga sandaling iyon ibayong sakit ang naramdaman ni Jihan. Pero gayon pa man ay hindi siya basta basta susuko sa kanyang nararamdaman. Si Ryou Guerrero ay para lamang sa kanya at silang dalawa ang nakatakdang magsama! END OF FLASHBACK
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD