Part 16: Remembering

1617 Words
Part 16: Remembering Labis na ikinagalit ni Jihan sa nalaman niya kaya naman hindi niya napigilan ang sarili na komprontahin si Ryou tungkol dito. "So ganoon pala ang mga tipo mong lalaki? Sana sinabi mo agad sa akin para nagsuot din ako ng weirdong damit at hindi magkapares na sapatos. Baka sakaling nagustuhan mo rin ako," ang wika ni Jihan na hindi maitago pagkainis. Pakiramdam niya ay binabale wala siya ni Ryou. "Ji, ano bang ikinagagalit mo? Nakipagkita ako kay Yue dahil interesado ako sa mga gagawin niyang paintings at nais ko rin siyang bigyan ng opportunity," ang sagot ni Ryou. "What kind of opportunity? Opportunity na maging boy friend mo? Bakit parang binale wala mo naman ako? Ako yung laging nasa tabi mo diba? Ako yung laging kasama mo sa mga events. Bakit lumalabas na mas mahalaga pa siya kaysa sa akin?" tanong ni Jihan. "Nais ko siyang bigyan ng opportunity dahil si Yue ay wala ng mga magulang, kailangan niya ng pang suporta sa kanyang sarili. Pati ba sa kanya ay kailangan mong makipag competition?" tanong din ni Ryou. "Oo, kung kinakailangan! Huwag mo sanang kalimutan ang si Dad ang nasa likod ng success mo ngayon. At huwag mo ring kakalimutan na malaki ang utang na loob mo sa kanya," ang sagot ni Jihan. Pilit ipinaalala ni Jihan kay Ryou na ang kanyang ama ang dahilan kung bakit siya naging successful ngayon. "Kahit kailan ay hindi ko nakalimutan ang kabaitan ng iyong ama sa akin. Hindi mo na kailangan pang ulit ulitin sa akin ang lahat ng ito," ang sagot ni Ryou. Bago maging isang sucessful na businessman ay dumaan si Ryou sa maraming challenges. Maraming beses siyang nakatikim ng rejection at maraming beses din siyang nabigo. Hanggang sa makilala niya si Mr. Fredrick Singh, ang father ni Jihan. Si Fredrick Singh ang nagturo sa kanya kung paano maging isang mahusay na business, pinahiram din siya nito ng puhunan upang siya ay makapagsimula ng negosyo. Ilang beses nalugi si Ryou ngunit hindi nag give up sa kanya si Mr. Singh. Patuloy siyang sinuportahan nito hanggang sa unti unting lumago ang kanyang business at hindi nagtagal ay naging successful ito. Malaki ang utang na loob ni Ryou Guerrero kay Fredrick Singh kaya naman wala siyang magawa kundi ang pakisamahan ng maayos si Jihan kahit na may attitude problem ito at isang mayamang spoiled brat. Kaya't kahit may time na nauubusan siya ng pasensiya kay Jihan ay pinipigil na lamang niya ang kanyang sarili. Ngayon ay maunlad pa rin ang business ng mga Singh, infact ang "Singh Cosmetics" ang pinaka tanyag na cosmetic brand company sa buong bansa at gayon rin sa international settings. "Gusto kong malaman mo na ang lahat ng pinansyal na pagkakautang ko sa iyong ama ay nabayaran ko na ilang taon na ang nakalilipas," ang tugon ni Ryou. "Pero hindi ang utang na loob, siya ang dahilan kaya't nandyan ka ngayon sa kinalalagyan mo," ang sagot din ni Jihan. Natawa si Ryou, "of course hindi ko nakakalimutan iyon. At sana ay huwag gamitin ang iyong ama para mapasunod ako sa mga bagay na gusto mo. Kung ngayon pa lang ay ipinapakita mo na sa akin ang totoong kulay mo ay mas makabubuting idistansiya ko ang aking sarili sa iyo," dagdag ni Ryou. "Ang ibig bang sabihin nito ay mas pinipili mo ang wirdong lalaking iyon over me?" tanong ni Jihan. "I already explained myself to you. Huwag mo nang gawing komplikado ang lahat ng bagay for the both of us," ang sagot ni Ryou. Natahimik si Jihan, wala siyang nagawa kundi ang umalis at lumakad palayo sa binata. God knows kung gaano ka gusto ni Jihan ang binata. Wala siyang ibang makitang lalaking babagay sa kanya kundi si Ryou Guerrero lamang. Halos lahat ng effort ay ginawa niya para kay Ryou kaya hindi siya makapapayag na basta na lamang ito babaling ang atensyon nito sa isang lalaking nagmula kung saana. Ito ang reason kung bakit nagagalit siya at nakakaramdam ng ganitong kabigat na emosyon. “Sir, gusto mo bang ihatid na kita sa iyong sasakyan?" magalang na tanong ng guard noong makasalubong niya si Jihan. Humarap sa kanya si Jihan at bigla niyang sinampal ang guard. "Arekup! Sir Jihan, bakit mo naman ako sinampal? Wala naman akong ginagawang masama?" "Why? Because I CAN!" ang galit na sagot nito saka lumakad patungo sa lobby. Well, alam naman ng lahat ng empleyado na kapag galit at wala sa mood si Jihan ay nananampal talaga ito. Ibinubuhos ang galit niya sa mga taong kanyang nakakasalubong. Kaya minsan ay binabasagan at tinatawag siyang "crazy b***h" ng mga empleyadong galit sa kanya. Noong makalabas si Jihan sa opisina ni Ryou ay napabuntong hininga na lamang ang binata. Ito ang dahilan kung bakit hindi niya magawang magkaroon ng relasyon at commitment kay Jihan dahil mahirap sakyan ang ugali nito. Kadalasan ay mainitin ang kanyang ulo, seloso, sobrang concious sa kanyang looks at maging sa kanyang katawan. At ang pinaka worst na ugali niya ay hindi ito marunong makinig sa katwiran ng iba. Basta para sa kanya ay siya lamang ang nag iisang tama. Halos ilang taon na ring magkakilala sina Jihan at Ryou. Madalas din silang napapagkamalang couple ng public. At kung minsan ay ito na rin ang nagiging press release ni Jihan sa kanyang mga kaibigan. Kaya ang alam ng mga ito ay magkasintahan silang dalawa pero hindi naman talaga. Sa kabila ng hindi magandang attitude ni Jihan ay pinapakisamahan pa rin siya ni Ryou ng mabuti dahil sa malaking utang na loob sa kanyang ama. Pero kung si Ryou ang tatanungin ay mas gusto niya ang taong simple at hindi mahilig sa mga materyal na bagay. "Ako na ang nanghihingi ng tawad sa inaasal ng aking anak,"ang wika ni Mr. Singh, noong mabalitaan nito ang ginawang pang aaway ni Jihan. "Ayos lamang iyon. Kung minsan ang mga spoiled na anak ay mahirap unawain dahil pabago bago ang kanilang mga mood, lalo kapag sila ay nagseselos," sagot ni Ryou. "Alam mo naman na gustong gusto ka ng aking anak. Kahit maraming mga mayayamang tao ang nagkakagusto sa kanya ay ikaw pa rin ang gusto niyang makasama. Well, siguro ay kasalanan ko rin naman dahil simula noong bata siya ay madalas kong ibinibigay ang lahat ng kanyang naisin kaya marahil lumaki itong spoiled at ayaw ng na-oout shine ng ibang tao," sagot ni Mr. Singh. "Don't Mr. Singh, matagal ko ring kasama si Jihan, marahil ay alam ko na rin kung paano siya pakisamahan ng maayos," sagot ni Ryou habang nakangiti. "Kaya nga if ever na magdesisyon kang pakasalan ang aking anak ay ako ang kauna unahang taong matutuwa dahil alam kong nasa mabuting kamay siya. Simula noong mamatay ang mga magulang mo ay itinuring na kitang tunay na anak kaya't I know you very well, alam kong isa kang mabuting tao. Confident ako na kapag dumating ang araw na wala na ako sa mundong ito ay mayroon pa ring makakasama at magmamahal sa aking anak. Sana ay habaan mo pa ang pasensiya mo sa kanya," pakiusap ni Mr. Singh. "Sa ngayon ay wala pa sa isip ko ang mag asawa lalo't aking atensiyon ay naka focus lamang sa Aquarius Maritime. Matapos ang iskandalong aming kinaharap ay susubukan naming bumalik muli sa operasyon. Ngayon ay pinag aaral namin kung paano makakasiguradong hindi na mauulit ang pagkalat ng langis sa karagatan lalo't nag iiwan ito ng malaking pinsala," sagot ni Ryou. Natawa si Mr. Singh, "nakikita ko sa iyo ang sarili ko. When I was young ay mas priority ko ang trabaho at ang pagpapalago ng negosyo. No wonder kaya't sa early age ay pareho na tayong bilyonaryo." "Marahil ay ito naman talaga ang purpose natin sa mundo at iyon ay ang paunlarin ang ating mga sarili. Ito ang isang mahalagang bagay na natutunan ko sa iyo, Mr. Singh," ang sagot ni Ryou. Ngumiti si Mr. Singh, maya maya ay napatingin siya sa painting na nakadisplay sa opisina ni Ryou, ang painting na ito ay ang artwork ni Yue. "Kakaiba ang painting na ito, sino ang gumawa?" tanong ni Mr. Singh. "Ang painting na iyan ay gawa ng isang kaibigan, believe hindi siya isang professional painter. Ginawa lamang niya iyan base sa kanyang wild imagination. Tinawag ko ang painting na iyan na "Silver Moon", as you can see ang liwanag ng buwan ay nag rereflect sa silver tail ng merman kaya ito nagliliwanag. At alam mo ba ang pinaka intersting part ng painting?" tanong ni Ryou habang nakangiti. "Alam kong may interesting part ang painting na ito, kaya mo ito binili. Maaari mo bang sabihin sa akin kung ano iyon?" "Ang pinaka interesting part ng painting is the whole image itself. Kung tititigan mo ang image ay para bang iginuhit ito ng artist habang nakatanaw sa actual na model," ang paliwanag ni Ryou. "Are you saying na maaaring nakakita na nga ng totoong mermaid ang artist na gumawa nito?" Mr. Singh asked. "Maybe. Kapag nakikita ko itong painting ay gusto ko na rin maniwala na talagang mayroong mga sirena," ang wika ni Ryou habang nakatitig sa imahe. "Interesting, nais ko ring ma meet ang artist sa likod ng painting na ito. Kahit papaano ay naniniwala rin ako sa mga mermaids, lalo na ang mga silver tailed," ang tugon ni Mr. Singh, bakas sa kanyang mukha ang paghanga sa kanyang nakikita. "Sure, soon ay ipapakilala ko siya sa iyo. Isa siyang interesting na tao," tugon ni Ryou Samantala, habang nakatitig si Mr. Singh sa imahe ay gumuhit ang kakaibang ngiti sa kanyang labi. Siya ay fascinated sa mga mermaid at sikretong hinahanap niya ang mga ito. Walang nakakaalam na may mahalagang parte ang mga sirena sa tagumpay ng Singh's Business Empire.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD