Part 17: Ancestor's Gift

1542 Words
Part 17: Ancestor's Gift Halos ilang buwan na rin ang nakalilipas noong unang beses na tumapak si Yue sa high ground. Noong una ay naging isang malaking pagsubok sa kanya ang mag adjust at makibagay sa kanyang paligid, lalo na sa mga normal na tao. Pero matapos ang ilang linggo ay mabilis na nakapag adjust ang binata. Marunong na siyang makisama sa mga tao sa kanilang lugar. Mabilis na rin niyang natutunan ang mga daily routine na ginagawa ng isang normal na tao. Kung may isang bagay lamang na mahirap sa pagiging isang sirena, iyon ay ang pag takas at pagtatago kapag dumarating ang sunset because their tail will automatic comes out. Kaya kapag gabi ay hindi na makikita pa si Yue sa paligid dahil siya ay bumabalik sa dagat para itago ang kanyang sarili sa mga malulupit na tao. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Yue bago siya mag-dive sa tubig. Noong sandaling humalik ang kanyang katawan sa karagatan ay nagliwanag ang kanyang mga hita at unti unting lumabas ang kanyang pilak na kaliskis at buntot. Kaya't sa kadiliman ng gabi ay mapapansin ang kanyang nagliliwanag na katawan. Ngayon ay isang espesyal na gabi ng kanyang pagbabalik sa karagatan dahil magkikita sila ng kanyang ina na si Seres sa Karikit Island. Matatandaan na espesyal sa kanila ang lugar na ito dahil sa islang ito siya isinilang at dito rin siya natutong tumayo at maglakad. Ang Karikit Island rin ay epesyal sa ama ni Yue at maging sa kanyang mga ninuno. Noong marating ni Yue ang Isla ng Karikit ay agad siyang sinalubong si Seres. Ibayong saya ang naramdaman ni Yue noong mga sandaling iyon dahil magmula noong umalis siya para gampanan ang kaniyang misyon ay hindi na sila nagkita pa ng kanyang ina. Isang mahigpit na yakap ang ibigay ni Yue kay Seres, hindi niya maiwasang mapaluha noong makita ang ina. "Kumusta ka na? Kumakain ka ba ng mabuti? Parang namayat ka yata?" nakangiting tanong ni Seres. "Inay, wala kang idea kung gaano karami ang pinagdaan ko doon sa high ground. Ang lahat doon ay talagang kakaiba, mula sa pananamit, pagsasalita, pagkilos, pagkain hanggang sa pag aayos ng sarili. Kakaiba rin ang uri ng pamumuhay doon, ang akala ko nga ay hindi ako makaka catch up sa kanila. Lahat ng basic ay tinuturo sa akin ni tiya Marine. Tinuruan din niya ako ng pagpipinta ng larawan,"pagsasalaysay ni Yue, para itong isang batang paslit na nagkkwento sa kanyang ina. Samantalang si Seres naman ay nakangiti lang habang nakikinig sa binata. Damang dama niya ang kaligayahan nito habang natangin sa kanyang mukha. Ang inaakala ni Seres ay magiging mahirap kay Yue ang pagtungo sa high ground, mabuti na lamang at maayos ang kalagayan nito kaya't kahit paano ay nawawala ang kanyang worries. "Wala kang idea kung gaano ako kasaya na makita at makasama ka ulit Yuelo. Madalas kong pinagdarasal sa panginoong lumikha na sana ay pagpalain ka niya at patnubayan sa lahat ng oras," ang tugon ni Seres. Lahat ng experience ni Yue sa high ground ay ibinahagi niya sa kay Seres. Wala siyang itinagong sikreto sa kanyang ina kaya't pati ang tungol kay Ryou Guerrero at sa pagsasagawa sa kanyang misyon ay maayos rin niya nasabi. "Yuelo, napansin ko ang kakaibang saya ng iyong mukha habang ikinu-kwento mo sa akin si Ryou Guerrero, tapatin mo nga ako, umiibig ka ba sa kanya? Huwag kang mag alala dahil hindi naman ako magagalit," nakangiting tanong ni Seres. Panandaliang nahinto si Yuelo at napaisip na lamang siya. Ang totoo ay hindi niya alam ang kanyang isasagot. Bagamat alam niya sa sarili ang tunay na nararamdaman. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Seres noong makitang natahimik si Yue, sana ay hindi na niya tinanong ang bagay na iyon. Napabuntong hininga si Yue, "Hindi ko alam inay, basta ngayon lamang ako sumaya ng ganito. At ang hindi ko maunawaan ay kung bakit lagi siya sa isipan ko. Kapag naaalala ko yung mga ngiti niya at kung paano niya ako titigan, nakakaramdaman ako ng hindi, maipaliwanag na saya," paliwanag ng binata, medyo nahihiya pa siyang sabihin kay Seres ang kanyang nararamdaman. "Hmm, hijo huwag kang mag isip ng sobra. Sa palagay ko ay natural lamang na maramdaman mo ang ganyan lalo't ikaw ay nasa wastong gulang na para humanga sa isang lalaki. Alam mo, ang pinagkaiba lamang natin sa mga tao ay ang pagkakaroon natin ng buntot. Ngunit ang pangkalahatang parte ng katawan ay pareho lamang. Lahat tayo ay mayroon mga "puso" na tumitibok at humahanga sa ating mga kapwa. Kaya sa tingin ko ang nararamdaman mo ay normal. At wala itong pinakaiba sa nararamdaman ng isang human na nakatira sa high land," paliwanag ni Seres. "Pero don't worry, kung ano man ang nararamdaman ko ay maaari ko naman itong kalimutan. Maaari kong ireject ang aking feelings," ang sagot ni Yue. "At bakit mo naman iyon gagawin?" tanong ni Seres. "Dahil kailangan kong tuparin ang aking misyon. At ayokong biguin ang ating mga kalahi," ang sagot ni Yue. Niyakap siya ni Seres, “Yuelo, ako ang iyong ina kaya't ano pang maging desisyon mo ay susuportahan kita sa abot ng aking makakaya," ang sagot niya. Noong mga sandaling iyon ay alam na niyang si Yue dadaan sa matinding pagkalito lalo't ang makakalaban niya sa kanyang misyon ay ang kanyang puso. Tumagal ng ilang oras ang pagkukuwentuhan nilang dalawa. Kapwa sila nakaupo sa dalampasigan habang ang malamig na alon mula sa karagatan ay humahalik sa mga buntot. At makalipas ang ilang minuto ay sinabi na ni Seres ang totoong dahilan kaya gusto niyang makita si Yue. "Bukod sa sobrang namimiss na kita ay mayroon akong nais na ibigay sa iyo." "Ano iyon? Inay?" pagtataka ni Yue. "Isang importanteng bagay na ibinigay sa akin ng iyong ina bago siya mamatay. Ang sabi niya sa akin ay ibigay ko ito sa iyo kapag nakasanayan mo na ang buhay sa high ground. At sa tingin ko naman ay kayang kaya mo ang sumabay sa magulong buhay doon. Sa palagay ko ay ito na ang tamang oras para ibigay sa iyo ito," ang nakangiting paliwanag ni Seres. Inilabas niya ang isang kwintas na mayroong maliit na silver shell pendant. Nagliliwanag kwintas lalo na noong masinagan nito ng buwan. "Ang kwintas na ito ay pag aari ng iyong ama. Ibinigay niya ito sa iyong ina bago siya umakyat ng high ground. At ayon pa sa iyong ama ay ito ang isang mahalaga kayamanan ng inyong mga ninuno. Gusto ng iyong ama na ibigay ito sa iyo kapag nagkaroon ka na ng mga paa," paliwanag ni Seres. Napatingin si Yue sa kwintas, "ang ganda, ang silver shell na pendant ay kakulay ng aking buntot," namamangha niyang tugon. "Yuelo, ingatan mong mabuti iyan dahil iyan ang kayamanan ng inyong mga ninuno na mga sirena na mayroong silver tail," paalala ni Seres. Tumango si Yue at ngumiti. "Huwag kang mag alala inay, iingatan ko ito at pahahalagahan sa lahat ng oras." Isinuot ni Yue ang kwintas.. At noong sandaling na isuot niya ito ay nagliwanag ang pendant nito at gayon rin ang kanyang buntot. Walang kamalay malay sina Yue na ang bagay na ito ay isang makapangyarihang kwintas! At ang makapangyarihang kwintas na ito ay bibiyayaan siya ng mga paa! Meaning, kapag sumasapit ang sunset ay hindi mawawala ang kanyang mga paa hangga't suot niya ang kwintas. Hindi na niya kailangan pang bumalik sa karagatan upang magtago. "Tama ka Yuelo, kapag isinuot mo iyan sa gabi ay magkakaroon ka pa rin ng mga paa. NGUNIT, kapag hinubad mo ang kwintas ay magkakaroon ulit ng buntot. Ngayon ay alam mo na kung bakit espesyal na kayamanan iyan ng iyong mga ninuno. Ang magical necklace na iyan ay bibigyan ka ng immunity,” paliwanag ni Seres. At noong alisin ni Yue ang kwintas sa kanyang leeg ay nagliwanag ito at muling bumalik ang kanyang kaliskis at buntot. Samantala, noong ikabit niya ulit ito ay lumabas na ulit ang kanyang paa. "Kahit ako ay hindi rin makapaniwala na na-conquer na ng iyong mga ninuno ang gabi. Kung sabagay ay hindi naman nakapagtataka dahil sinasamba nila ang buwan kaya't kalulugdan sila nito. At sinubukan kong gamitin ito ngunit hindi ito umepekto sa akin. Kaya ang conclusion ay, effective lamang ang magical necklace sa mga mermaid na mayroong silver tail katulad mo,” ang paliwang ng kanyang ina. "Kung ganoon ay hindi ko na kailangan pang magtago sa karagatan sa gabi?" tanong ni Yue na nakaramdam ng labis na tuwa. "Oo, kailangan ay suot mo na ito bago lumubog ang araw at mag dilim upang mabigyan ka ng immunity. Tama nga ang iyong namayapang ina, ang mga sirena na mayroong silver tail katulad ng iyong mga ninuno ay talagang mahihiwaga at makapangyarihan," sagot ni Seres habang nakangiti. "At batid kong ang kwintas na ito ang magiging guide ko upang mahanap ang aking ama. Sana ituro nito sa akin daan patungo sa kanya," ang bulong ni Yue habang nakatitig sa magandang pendant ng kwintas. Noong mga sandaling iyon ay ipinangako niya sa sarili na iingatan ang mahiwagang kwintas bilang isang pinakamahalagang kayamanan ng kanyang buhay. At kapag suot niya ang kwintas na ito ay parang kapiling na rin niya ang kanyang ama. Nararamdaman rin niya ang pagmamahal ng kanyang mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD