Chapter 42: Lapitan

1257 Words

Nag-jo-jog isang hapon si Mihan. Sa hindi kalayuan ay nakikita niya ang La Pasión Café kung saan nakatambay na naman si Thiago at ang ilan sa mga kaibigan nito. Marami-rami rin ang mga kustomer na nandoon at mangilan-ngilan din ang mga nasa beach para mag-relax. Ang iba ay naliligo samantalang ang iba ay nasa lounge chairs, umiinom ng cocktails, juice at iba pa. Rinig niya pa ang alternative na musikang nakatugtog sa café hanggang sa dalampasigan. Nang mapaisip kay Thiago, parang gustong batukan ng dalaga ang kanyang sarili dahil sa paghalik niya sa binata ilang araw na ang nakalipas. Muli-muli ay pabalik-balik iyon sa kanyang balintataw. Buti na lang nakapagpigil pa ako no’n at pinaalis ko siya. Putik talaga! Ba’t ba lagi akong nagpapadarang sa kanya? “Hi!” Narinig niya ang isang maga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD