Naging busy si Mihan sa nalalapit na pagra-wrap up ng shooting sa isla. Isasama raw siya sa pag-sho-shooting sa Malaysia at doon na tatapusin ang “The Mistress and the Assassin.” Nae-excite siya na makapunta sa ibang bansa. Ito ang magiging unang project niya sa labas ng Pilipinas. Subalit napapaisip siya sa kanyang ina. Hindi niya alam kung gaano katagal ang filiming nila sa Malaysia kaya nagdadalawang-isip siya na sumama. Ngumiti siya kay Candela na nakaupo sa isang sulok ng Isla del Amor Grill House. Hindi niya inasahang doon siya iimbitahan ng babae na kumain ng dinner. Malapit ito sa marina. Unang beses niyang makapunta roon. Kadalasan kasing sa restoran ng hotel siya kumakain o kaya sa set. Pagpasok pa lang niya sa malinis na kainan ay sumalubong na sa kanya ang amoy ng barbecue, i