Nararapat lang sigurong gawin ko rin ang ginawa ni Thiago sa ‘kin noon para amanos kami, ‘no? Subalit bago pa man makapagsalita si Mihan ay dumating ang crew para ilapag sa mesa nila ang lahat ng kanilang order. Nalipat ang kanilang atensyon dito at natatakam sa pagkain. Noon pa napansin ng dalaga na nagugutom na pala siya. Nawala na sa isip nila ang tanong ni Malena habang kumakain sila at iyon na ang naging paksa ng kanilang pag-uusap. “¡Mira vos! (Wow!)” bulalas ni Malena, tinutukoy ang tocino na kinakain. “I love this! I love its taste, Candela!” “¡Tal cual (Exactly)!” sang-ayon ni Candela na iyon din ang kinakain. Noon pa naalala at napansin ni Mihan na kinopya pala ng dalawa ang in-order niyang pagkain at inumin, maliban sa dessert. Hindi niya napigilan ang pagngiti sa dalawa. N