Lalong nag-aapoy ang mga mata ni Thiago nang lumapit sa kanya ang babae nang nagsusumamo ang mga mata sa kanya. Matagal na niyang hindi ito nakikita sa personal dahil palagi siyang umiiwas. Subalit ayaw man niyang aminin ay tila halos hindi nagbabago ang ganda nito, pati ang hubog ng katawan na halatang inaalagaan ng ehersisyo at tamang pagkain. Maganda ito sa suot na pulang bestidang walang manggas at pinaresan ng high heels. Hanggang balikat ang buhok nitong pinakulayan ng itim imbes na natural na dark brown. Katulad ng dati ay may suot itong pares ng hikaw, bracelet at kuwintas. “Hijo, lo siento (Son, I’m sorry),” ang mahinang wika ni Almara na akmang hawakan ang binata sa braso. Umatras siya mula sa kanyang ina. Hindi nagbago ang kanyang anyo. “Creo que ya es hora de que hablemos (I