“¿Qué dijiste, Camila? (Ano’ng sabi mo, Camila?)” Nagulantang na lang si Thiago nang marinig ang report ng kanyang PA sa kabilang linya. Kasalukuyan siyang nanonood sa eksena ni Mihan na nakipagbakbakan sa mga tauhan ng kontrabida. Maya’t maya ay sumisigaw ng “cut!” si David sa megaphone saka nag-uusap at nagre-rehearse bago nagpapatuloy ang mga ito sa pag-take ng eksena at palitan sina sina Mihan at Johanna. Medyo maraming tao ang nanonood sa may distansiya kahit halos hating-gabi na iyon. Halatang nag-e-enjoy sa panonood ng shooting ang mga ito. Pumasok ang binata sa kanyang sasakyan upang walang makarinig sa kanya at hindi niya maiistorbo ang shooting. Sa kanyang kinauupuan ay halos hindi na niya makikita si Mihan dahil sa liksi nitong kumilos at dahil na rin sa ibang mga taong nakata