Chapter 38: Sa Baybayin

2302 Words

Umalis si Mihan sa kanilang silid kahit na pasado alas dose na. Hindi pa kasi natutulog ang mga kasama niya. Sa halip ay nagbabangayan ang mga ito tungkol sa trabaho at ayaw niyang makisali sa gulo ng tatlo. Minabuti na lang niyang magpahangin sa labas, sa may baybayin, kung saan mas mainam na makinig sa paghampas ng mga alon sa dalampasigan kaysa mainit na palitan ng mga salita. Para sa kanya ay walang kuwenta ang mga ito. Pero hindi naman sa nanghuhusga siya dahil alam niyang may kompetisyon sa pagitan nila sa kabila ng pagiging pawang na mga alaga sila ni Kuya Banoy. Hanggang ngayon ay gusto pa rin sana ni Trixie na nangunguna sa lahat. Nakaupo si Mihan sa may dalampasigan at nakatanaw sa karagatan at sa daungang makikita lang mula sa kinaroroonan niya. Maganda ang iba’t ibang mga ilaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD