Nakaupo sa may deck ng yate ni Thiago si Mihan. Kasama niya ang binata at ang ilang kaibigan nito na sina Mike, Ax at Damian. Wala si Klaus dahil nagla-lie low raw para hindi masita ng babaeng gusto nito kung bakit laging kasama nito ang mayayamang bachelor sa isla. “The idiot pretends to be poor,” ang sabi ni Damian. “He doesn’t want the girl to know he’s got a big dough.” Nagtawanan ang magkaibigan habang si Mihan ay napasimangot. “Ba’t ayaw niyang malaman?” tanong ng dalaga. “He wants to get close to Kiara. I don’t really know what’s going on with my cousin’s brain,” matabang na tugon ni Mike. “But who are we to judge?” singit ni Thiago. “I can only hope he’s going to get the girl he wants.” “The girl he loves,” pagtatama ni Damian at napasingasing ito bago tinungga ang laman ng