Dinala si Mihan ni Thiago sa marina. “Ano’ng ginagawa natin dito?” tanong niya pa sa binata, isang hapon. “I’m taking you to a yacht date,” tugon ng lalaking ngumisi sa kanya pagkaparada ng sports car nito. Umawang lang ang labi niyang napatitig sa nobyo. “Sa tingin mo ay okay akong ka-date na ganito?” Hinawakan nito ang kanyang baba upang titigan siya sa mata. “Whether you have a cast or not, you’ll always be the perfect date, gorda,” paniniyak nito sa kanya. Napangiti na lang ang dalagang kinikilig. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Hinalikan siya nito sa magkabilang pisngi. “I love you more when you blush.” Pagkatapos ay dumampi ang labi nito sa kanyang labi. “Kahit hindi ka nagbu-blush, mahal din kita,” banat niya. Tumawa ang lalaki sa sinabi niya. “Hindi ba ako nagb