Chapter 62: Pagkukulang?

1182 Words

Parang nabunutan ng tinik sa tagiliran si Mihan nang mabalitaang umuwi na sa Argentina sina Malena at Candela. Sina Johanna at Logan naman ay laging tumatawag sa kanya kapag may libreng oras ang mga ito para kumustahin siya. Bago umalis ng Malaysia ay binisita ni Kuya Banoy si Mihan. Malaki ang pasasalamat niya sa stunt coordinator. “Sabihin mo lang sa ‘kin kung handa ka nang bumalik,” anito habang nag-uusap sila sa gazebo. Sila lang dalawa roon dahil si Thiago ay may inaasikasong trabaho sa Manila dahil sa isang importanteng kliyenteng nataong nandoon⸺na naman⸺pero babalik din ito kaagad dahil ayaw nitong iwanan siya nang kahit isang araw lang. “Siyempre naman po. Pero… baka matatagalan pa, Kuya Banoy dahil dito,” wika niya sabay nguso sa binti. “Kailangan ko pang magpapagaling talaga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD