Napatago ng kanyang mga labi si Mihan. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kay Malena kung sakaling makikipag-usap itong muli sa kanya. Kukumprontahin ko ba siya dahil kay Thiago? Kailangan ko bang gawin ‘yon kahit na wala akong karapatan dahil hindi naman kami magkasintahan ni Thiago? Naguguluhan siya. Hindi naman niya akalaing gustong bawiin ni Malena si Thiago kung kaya nandito ito sa isla. Nang tinanong niya ang babae ay sinabi lang nitong gustong magbakasyon. Iyon pala ay si Thiago talaga ang pakay nito. “Kung ano man ang mapag-usapan namin, saka ko na sasabihin sa ‘yo… kung kailangan. Magpahinga ka na,” saad niya at tinapos na ang usapan nilang dalawa. Napabuntong-hininga ang dalaga at napapikit ng mga mata. Umusal siya ng mga salita sa hangin na sana ay magiging matatag siya